Kabanata 5

57.8K 813 42
                                    

Chapter 5

That was a weird dream.

Nagising si Aaron mula sa kanyang pagkakatulog, ilang gabi na din niyang napapaginipana ang kanyang kapatid na si Allen. Tahimik na lamang niyang minura ang kaptid. Bakit hindi na lang ito manahimik kung saan man itong lupalop napunta?! Naiinis na tanong ni Aaron sa kanyang sarili

"Ako si Aaron ang lalaking mahal mo" umaalingawngaw sa kanyang isipan ang kanyang mga sinabi sa babaeng nakaputing maskara. Sino na ang babaeng iyon sa kanyang panaginip? Nitong mga nakaraang gabi ay nagiging weird na ang kanyang mga panaginip hindi niya tuloy malaman kung sa labis ba niyang pagod sa trabaho o dahil sa stress.

Sa tuwing maiiglip siya ay napapaginipan niya na siya ay nasa isang bulwagan, actually iyon ang bulwagan sa kanilang ancestral house sa Bulacan na kung tawagin ay Casa de Rojo dahil halos kulay dugo ang pintura ng buong kabahayan. Ayon sa kanyang panaginip ay nakatayo daw siya sa may veranda habang pinapanood ang kanyang kapatid na si Allen na nakikipagsayaw sa isang babae.

Nagtataka siya dahil parang nakaramdam siya ng selos habang pinapanood niya ang kanyang kapatid at ang misteryosang babae na natatabingan ng puting maskara.

Gusto niyang kontrolin ang kanyang panaginip ng sa gayon ay tatanggalin niya ang maskara ng babae. Gusto niyang makita ang mukha nito sa likod ng maskara nito.

Siya si Aaron Reyes, isang piloto at General Manager ng isang kilalang Airline. Pangalawang anak sa pamilya. Ang totoo hindi naman talaga siya ang dapat na General Manager ngunit wala siyang magagawa. Ang kanyang kakambal na si Allen ang dapat na General Manager ngayon. Hindi niya ginusto ang buhay na iyon. Noon pa man ay pangarap na niya ang maging isang jet fighter at dahil sa kahibangan ng kanyang kapatid ay na-stuck siya sa apat na sulok ng isang boring na opisina.

 Naalala niya ang babaeng nakilala niya kanina. Ngumiti siya ng muling maisip ang weird na babae na iyon. Marahil ay may gusto iyon sa kanya dahil malabo namang makita siya nito noong nakaraang gabi dahil nasa piling siya ng isang Magdalena ng mga panahon na iyon. Bigla siyang nacurious sa babaeng iyon na napag-alaman niyang si Clarisse Lonzaga isang company nurse sa airline nila. Parang pamilyar ito sa kanya ngunit dahil sa dami ng mga babaeng nakilala niya ay alam niyang hindi na niya ito matatandaan.

 Ang natatandaan niya ay nag-aayos siya ng mga papeles sa kanyang lamesa ng makaidlip siya. Hindi niya namalayan na alas tres na pala ng madaling araw ng magising siya.

Pumunta na lamang siya sa isang counter kung saan nakalagay ang mga wine at brandy. Kumuha siya ng isang baso at nagsalin ng alak. Unti-unti ay sinimsim niya ang alak habang iniisip kung bakit ganoon ka-weird ang panaginip niya. Nagdulot ng kapayapaan sa kanya ang pag-inom ng brandy habang nag-iisip.

Ganun pa din ba kalaki ang galit sa kanya ni Allen hanggang ngayon ay dinadala nito ang issue na namagitan sa kanila tatlong taon na ang nakakaraan? Iyon ang katanungang nakabitin sa kanyang isipan. Hindi na nga niya naiisip ang tungkol sa bagay na iyon. Matagal na itong tapos at pilit na niya itong kinalimutan ngunit bakit nagbabalik na naman ito?

Napaka makasarili talaga ng kanyang kakambal na si Allen.

to be continued... 

Midnight Lover Duology: Tagpuan (to be publish under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon