Kabanata 9

54.3K 712 29
                                    

Chapter 9

Ilang gabi na din ang nakakalipas at hindi na napapaginipan ni Clarisse si Allen, pinili na niya ang morning shift para naman hindi siya inaabot ng hating gabi sa pagtulog ang problema nga lang ay si GM ay nawiwili na sa pagtambay sa loob ng clinic. Lagi na lamang itong nakikitulog sa clinic, hindi lang niya alam kung tinatamad lang ba itong magtrabaho o hindi.

Mag-isa lamang siya sa clinic kasama si GM na nakatambay na naman upang asarin na naman siya.

"Lakasan mo nga yung aircon." utos sa kanya ni Aaron.

 "Alam mo Sir bakit di ka na lang bumalik sa opisina mo? Baka hinahanap ka na ng sekretarya mo."

"Eh ayoko nga kasi sabi dun. Ang boring dun!" inayos pa ni GM ang pagkakahiga nito kaya naman nainis siya.

"Kung mag-ikot ka na lang kaya sa airport. Madaming stewardess dyan na magaganda't sexy dun ka na lang." hindi naman sa pinapaalis niya ito ngunit gusto lamang niya na naaasar ito.

 “Wag mo kasi kong pansinin dito. Lagot ka sakin pag nawala antok ko.” balak na sana niya itong batukan ngunit nagtakip lang ito ng unan.

“Diinan ko kaya yang unan sa mukha mo tignan ko lang kung magising ka pa.” bulong niya sa kanyang sarili at naupo na lamang sa tabi nito.

Nagulat si Clarisse ng tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang kanyang lola. Tumatawag lamang ito pag may kailangan o kaya naman ay maisipan mangamusta. May nangyari kaya?

"Hello lola? Napatawag ka?" 

"APOOOOO!!" halos mabasag ata ang kanyang tenga sa pagsigaw ng kanyang lola. Nakalimutan nga pala niyang bingi ang kanyang lola kaya naman lagi itong nakasigaw.

 "Bakit po lola?' tanong niya sa kanyang lola.

"Aba'y hindi ka man lang ba uuwi dito sa probinsya? Dyan ka na ba titira at hindi ka na nadalaw dito."

 "Susubukan ko po by next week lola."

"Dapat lang hija! Aba'y gusto mo bang magtampo sayo ang nobyo mo ha?" natahimik siya sa sinabi nito. Ngayon lang niya naalala na malapit na nga pala ang araw na iyon. Muntikan na niyang hindi maalala ito dahil sa pagka-distract kay Allen.

Naramdaman na naman niya ang kirot sa kanyang puso. Akala niya ay nakalimot na siya ngunit hindi pa din talaga. Parang isang bangungot ang lahat na iyon. Kahit tatlong taon na ang nakakaraan hindi pa din niya magawang mag move on.

"Hija andyan ka pa ba?" singit ng lola niya na siyang nagpabalik sa kanya ng realidad.

"Sige ho. Uuwi ako next week lola." sabi niya sa kanyang lola sa matamlay na boses. 

 Hindi na niya nais pang bumalik sa lugar na iyon na siyang naging dahilan kung bakit nagbago ang buhay niya. Hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa taong dahilan kung bakit namatay ang ang pinakamamahal niyang lalaki. Kung gusto man ng taong iyon ang mamatay ay sana ay hindi na idinamay pa ang iba. Sana ito na lamang mag-isa ang namatay! Bakit kailangan pang may madamay?! Bakit hindi na lang din siya ang namatay?!

Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya, hindi niya mapigilan ang maiyak sa tuwing naaalala ang araw na iyon. Ang araw na nasira ang langa ng plano niya. Ang lahat ng pangarap na binuo nila ng sabay.

Napaangat ang mukha niya ng maramdaman ang kamay na tumatapik sa balikat niya. Si General Manager ang nagcocomfort sa kanya sa ganitong sitwasyon. Inabot niya ang panyo na ibinigay nito sa kanya at pinunasan ang mga luha niya na walang hinto sa pag-alpas.

"May bad news ba?" kung sa ibang pagkatataon ay magtataka si Clarisse sa kaseryosohan ng composure nito pero alam naman nito siguro kung kailan pwedeng mang-asar at magseryoso.

"Ah wala naman tumawag lang lola ko." sabi ni Clarisse habang nakatungo yung ulo niya habang ito naman ay pilit na inihaharap ang mukha nito sa kanya.

"Gusto mo bang mag-leave? Umuwi ka muna sa inyo baka nagka emergency o ano pa man dun." sincere na suhestiyon ni GM sa kanya. Tumayo na si Clarisse at pumasok sa loob ngunit nakasunod pa din ito sa kanya. Naupo na lamang siya sa kama at bumuntong hininga.

"Uuwi ako next week sa Bulacan." naramdaman na naman niya ang kakaibang pakiramdam sa tuwing nakakausap niya si Aaron. Komportable. 

Sa kabilang dako ay nasisiyahan si Aaron sa tuwing mag-stay sa loob ng clinic, malamig na kasi ay maganda pa ang nurse kahit na madalas pa siya nitong sungitan at tarayan. Masyado kasing boring sa loob ng kanyang opisina at kasama pa niya ang matandang dalaga niyang sekretarya. Mas gugustuhin na lamang niya ang tumalon sa building buti na lamang ay nakahanap siya ng maayos na tatambayan.

 Maganda si Clarisse at sexy pa. Hindi naman iyon ang habol niya kung bakit lagi niyang ginugulo ito. Iba ang pakiramdam niya sa tuwing kasama niya ito kahit pa madalas silang magbangayan ay nauuwi pa din sa tawanan o kaya naman ay sa seryosong usapan lalo na tungkol sa kanilang pamilya. Di nga ba't nakwento pa niya rito ang tungkol kay Allen.

Kasalukuyan na naman siyang nasa clinic upang tumambay. Mas gusto niya ritong natutulog dahil hindi niya madalas mapaginipan ang kanyang kakambal na si Allen.

Kanina lamang ay nag-abala pang tumawag ang kanyang ina upang pauwiin siya ng Bulacan, kamatayan ng kanyang magaling na kakambal. Nais ng kanyang ina na maging kumpleto sila sa araw na iyon. Kung siya lang din naman ang tatanungin ay hindi niya gugustuhin ang pumunta sa death anniversary nito. Kung pwede lang sana niyang i-double dead ang kakambal ay gagawin niya. 

Si Allen pa din ang sinisisi niya kung bakit nasa ganoon siyang posisyon. Kung hindi dahil sa kahibangan nito ay hindi madadamay ang marami. Ang kakambal na ata niya ang pinaka makasariling tao na nakilala niya. Hanggang sa kamatayan nito ay naging makasarili pa din ito.

Nawala siya sa isiping iyon ng marinig na animo ay may umiiyak sa labas. Naalala niyang lumabas nga pala siya ng clinic. Agad siyang bumangon at lumabas ng clinic, naabutan niya si Clarisse na umiiyak. Nakaramdam siya ng urge na lapitan ito at aluin. May parte ng pagkatao na nagsasabi na kailangan siya ngayon ni Clarisse. Nilapitan niya ito at tinapik sa balikat.

Bigla na lamang tumibok ang kanyang puso, kailan nga ba niya huling naramdaman ito?

 Lalong bumilis ang tibok ng puso niya ng magkasalubong ang mga mata nila ni Clarisse na punong puno ng hinanakit. Ngayon lang niya napagmasdan ng mabuti ang mga mata nito.

Ang mga matang iyon. Hindi niya makakalimutan ang mga matang iyon.

to be continued..

Midnight Lover Duology: Tagpuan (to be publish under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon