Kabanata 12

50.3K 654 27
                                    

Kabanata 12

"Kumpleto na ba ang mga gamit mo Clarisse?" tanong ni Rowena kay Clarisse habang titulungan niya itong mag-impake ng mga damit na gagamitin nito sa pagbabakasyon sa ancestral house.

"Opo. Tawagin niyo na lang po akong Claire kayo talaga." nginitian lamang ang matanda at tumayo na upang tulungan siyang dalhin ang kanyang bag.

Ilang araw din nanatili si Clarisse sa loob ng hospital at nagpasya na rin siyang tanggapin ang inaalok na bakasyon ng mama ni GM o mas mabuting tawagin niyang Aaron. Iyon na rin daw ang paraan upang makabayad ang mga ito ng utang na loob sa kanya at maalagaan na din siya kahit na kaya ko naman niyang alagaan ang sarili. Opurtunidad na din siguro iyong maituturing para makapagrelax dahil ilang linggo na din naman siyang hindi nakakatulog ng maayos dahil sa takot kay Allen, ilang araw na din na paulit-ulit niyang napapaginipan ang bangungot na nangyari sa kanya tatlong taon na ang nakalilipas at ang masama lagi pa niyang nakikita si Allen sa panaginip na iyon. Nakatayo lamang ito at pinapanood siya.

Napailing na lamang siya at bumuntong hininga. Siguro naman makakapag relax siyang mabuti doon sa probinsya. Ang sabi naman nila Aaron maaari daw siyang umuwi sa lola niya kahit anong oras ngunit mas mabuti na nga siguro ang maiba naman ang kapaligiran niya para naman hindi siya nalulungkot palagi o nag-iisip ng mga weird na bagay.

"Let's go Claire." iginiya siya ni Rowena palabas ng kanyang hospital room at sumakay sa wheelchair upang ihatid sa parking area kung saan naghihintay si Aaron. Hindi na sila madalas mag-asaran ni Aaron lalo pagkatapos ng aksidente. Naalala niya na hindi siya nito pinapansin noong mga nakaraan at hindi pa rin niya ito natatanong tungkol doon, ni hindi naman sila nakakapag-usap ng matagal sa ngayon. Hindi niya alam kung umiiwas ba talaga ito o wala lang talagang panahon para makapag-usap sila?

Sumakay na siya sa backseat at naupo naman si Rowena sa tabi ng anak. Nakalagpas na sila ng NLEX ngunit balot pa din ng katahimikan ang buong paligid. Walang nagsasalita ni isa sa kanila, minsan nama'y tatanungin siya ni Rowena kung nagugutom siya o hindi pero pagkatapos noon ay balik na naman sa nakakabinging katahimikan. Isinandal na lamang ni Clarisse ang kanyang ulo sa bintana at tinignan ang magagandang tanawin na nakikita niya.

Ilang sandali pa ay naging pamilyar na sa kanya ang daan na binabagtas ng kanilang sasakyan. Makakalimutan ba naman niya ang daan na 'yon? Muli na namang binalot ng kalungkutan ang puso niya. Naalala na naman niya ang trahedyang iyon. Pumikit ng mariin si Clarisse at huminga ng malalim sa pagdilat niya ay ang hindi mabasang mga mata ni Aaron ang sumalubong sa kanya mula sa rearview mirror. Bahagya siyang nakaramdan ng deja vu. Naramdaman niya ang pagtaas ng kanyang balahibo sa batok at dahil doon ay agad niyang iniiwas ang mga mata niya sa nakakalusaw na mga titig ni Aaron.

Sa kabuuan ng biyahe ay madalas mahuli ni Clarisse si Aaron na nakatingin sa kanya mula sa rearview mirror na nagiging dahilan ng pagka-ilang niya. Kakaiba kung tumingin ito. Pakiramdam niya ay nanunuot sa kaibuturan niya ang mga titig nito.

"Nandito na tayo! Welcome to our Ancestral House Clarisse." sumilip siya mula sa bintana at nakaramdam siya ng kilabot ng makita ang mansion na sumalubong sa kanila. Hindi mo makakaila na may tinatagong misteryo ang bahay na ito. Animo pinaliliguan ng dugo ang bahay dahil sa kulay pula nitong pintura. Luma na ang bahay at maraming baging na nakapaligid sa haligi nito ngunit hindi maitatago ang klasikal na ganda nito.

Bumaba ng kotse si Clarisse upang mapagmasdan pa ang kabuuan ng bahay. Natatakot siya. Bahay ba talaga 'to? Talaga bang dito pa sila tumitira? Namamanghang tanong ni Clarisse habang pinagmamasdan ang mansion. Bakas talaga sa mansion na ito ang katandaan at ang mga pagsubok na naranasan nito sa paglipas ng panahon.

"Nagustuhan mo ba Clarisse? Halina at pumasok na tayo." hinawakan ni Rowena ang kamay ng dalaga ngunit napabitaw rin ito agad dahil na rin siguro sa panlalamig ng mga kamay ni Clarisse. Napalunok si Clarisse sa isipin na dito siya titira ng ilang araw. Kailan pa ba siya naging duwag?

"May problema ba hija?" masuyong tanong ni Rowena sa kanya at dahil sa nahihiya siya sa pinakita niyang reaksyon ay ngumiti na lamang siya at umiling.

"Kung ganoon ay pumasok na tayo. Ipinarada lang ni Aaron ang kotse sa garahe. Tara na."  inakbayan siya ni Rowena papasok sa bahay.

Nahigit ni Clarisse ang kanyang hininga pagkapasok sa bahay. Kakaiba ito kumpara sa labas ng bahay na nakakatakot. Napaka elegante ng kabuuan ng bahay at makikita mo ang pagiging moderno nito. Ang sala ay animo isang bulwagan sa luwang at makikita mo ang napakagandang grand staircase na nababalutan ng gintong barandilya at ang nakalatag na red carpert. Mayroon ding malaking chandelier sa itaas ng bahay na puro malilit na crystal. Bigla na lamang napawi ang kanyang takot sa kagandahang nakikita niya ngayon. Ibang iba talaga ang loob ng bahay kaysa sa nakakatakot na aura ng mansion sa labas.

"Hija, iiwan muna kita dito ha? Titignan ko lang yung silid na tutuluyan mo. Feel at home." tumango lamang siya at nilibot na ang sarili sa malaking bulwagan. Parang pamilyar sa kanya ang lugar ngunit alam niya na hindi pa siya nakakapasok doon kahit kailan.

Nakita ko niya ang isang grand piano at nilapitan iyon. Halata na ang kalumaan nito at mukhang hindi din naman nagagamit. Binuksan ni Clarisse ang takip nito at sinimulang pindutin ang mga key. Wala na sa tono ang piano ngunit naupo pa rin siya sa tapat nito upang tumugtog ng kaunting piyesa. Kapiraso lang naman ang alam niyang tugtugin sa piano at iisang piyesa lang pa.

Kahit wala sa tono ay tinutuloy pa din niya ang pagtugtog hanggang sa makarinig siya ng malakas na kalabog mula sa katapat na kwarto mula sa kinauupuan niya. Dahan dahan siyang lumapit sa may pinto ng silid at tinangkang buksan ito ngunit ng pihitin ang seradura ay nakalock iyon. Kumatok siya ng dalawang beses sa pinto at idinikit ang tenga roon.

"May tao ba diyan? Okay ka lang?" naghintay siya ng ilang sandali ngunit walang sumasagot. Kakatok na sana siyang muli ng may bigla na lamang mga kamay ang humawak sa balikat kanyang balikat na ikinagulat niya

 "AHHHHHHHHHHH!!!"

to be continued...

Midnight Lover Duology: Tagpuan (to be publish under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon