Kabanata 2

75.7K 993 58
                                    

Chapter 2

 Ilang gabi na ang lumipas, maagang natutulog si Clarisse ngunit ni minsan ay hindi na nagpakita si Allen sa kanyang panaginip. Gusto niya ulit makita ang misteryosong lalaki, muli ay gusto niyang marinig ang baritonong boses nito at ang maiinit nitong haplos sa kanyang balat.

 Naguguluhan si Clarisse kung siya nga ba ang may kontrol sa kanyang panaginip. Ano nga ba ang mangyayari kung sakaling pumayag siya sa inaalok na kasal ni Allen sa kanya. Ano nga ba ang itsura ni Allen sa likod ng maskara nito?

 Night shift ngayon ang kanyang duty at nag-iisa lamang si Clarisse sa clinic. Bumuntong hininga siya at humiga na lamang siya sa isa sa mga hospital bed, bihira lamang ang pasyente na nagpupunta sa loob ng kanilang clinic kaya naman wala siyang dapat ipag-alala kung matutulog man siya. Malaki ang clinic ngunit sila lang naman ni Maribeth ang tao dito. Mabuti na din iyon dahil ang ibig sabihin walang emergencies na nangyayari sa airport. Ang ibig sabihin magaling magpatakbo ang general manager ng airport.

 Naramdaman na naman niya ang pagbigat ng kanyang pakiramdam. Bila na lamang umikot ang kanyang mundo at napapikit. Animo may humihila sa kanya upang pumikit. Pagdilat niya ay naroon siyang muli sa hindi pamilyar na lugar kung saan niya nakilala si Allen. Nasa gitna siya ngayon ng bulwagan kasama ang misteryosong lalako, napakapit siya ng mahigpit kay Allen dahil sa pagkahilo niya maagap naman siya nitong inalalayan upang hindi siya mabuwal.

“Ayos ka lang ba?” tanong nito sa nag-aalalang tono.  Napatingin siya sa lalaki at tinitigan ang mga maiitim nitong mata. Bigla siyang nakaramdam ng kasiyahan dahil minsan pa ay nasa mga bisig siyang muli ni Allen at ramdam niya ang mainit nitong paghinga. Napatingin siya sa mapupula nitong mga labi at animo nag-aanyang halikan niya ito, agad niyang ipiniling ang kanyang ulo para kalimutan ang isipin na iyon.

“Masyado ka bang nabigla sa sinabi ko?” nabanaag niyang may hinanakit ito sa tono ng boses nito.

“I’m sorry. Hindi kita kilala. Sino ka ba at kilala mo ba talaga ako?” sa wakas ay may pagkakaton na din siyang makapag tanong dito.

“Sinabi ko na nga ba at hindi ka papayag.” nabasag ang boses ni Allen na ikinabahala ni Clarisse.

“H-hindi naman s-sa ganun. N-nagugulahan lang talaga ko.” dahil sa frustration na nararamdaman ay halos mapag rambol-rambol na niya ang mga gusto niyang sabihin. Tumawa lamang ng pagak si Allen ngunit nahahalata niya ang kinukubli nitong sakit na nararamdaman. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maguilty o hindi. Unang-una ay hindi niya naman ito kilala.

 “Hindi mo ba talaga ko magagawang mahalin? Mahal na mahal kita kung alam mo lang. Ang kapatid ko ba talaga ang mahal mo?” lalo lamang naguluhan si Clarisse sa mga sinasabi ni Allen. Sinong kapatid?!

Tumingin siya sa kanyang paligid at nagulat na lamang ng malaman na sila na lamang ni Allen ang tao sa bulwagan. Sa tingin niya ay binabangungot na siya. Kanina lamang ay nakapalibot sa kanilang dalawa ni Allen ang mga nakakasiyahang panauhin.

Paanong nawala ang lahat? Nagsimula na siyang lukuban ng takot at gusto na niyang gumising sa inakala niyang magandang panaginip. Sa isang iglap ay naging bangungot ang lahat.

Bigla na naman nakaramdam ng pagkahilo si Clarisse marahil na din dahil sa labis na kalituhan, napaupo siya sa sahig dahil umiikot ang paningin niya. Nakita niya sa nanlalabong mga mata ang papalayong si Allen. Gusto niya itong habulin ngunit hindi niya magawa dahil sa pagkahilo niya.

 Unti-unti ay nagdilim na lang ang lahat.

“Nurse. Nurse.” napabalikwas ng bangon si Clarisse at napasapo sa noo kanyang noo. Muli ay nanaginip na naman pala siya. Kahit papano ay masaya pa din siya dahil nagising na siya mula sa isang masamang panaginip.

 “Allen.” nasabi ko na lamang niya sa kanyang sarili.

 “Okay ka lang ba nurse? Binangungot ka ata.” napalingon siya sa pinagmumulan ng boses. Isang gwapong lalaki ang tumambad sa harap niya, nakasuot ito ng grey coat at dark blue necktie.

Her heart literally stopped beating. He stood a foot taller than her. His hair was slightly wavy, makapal at mahahaba ang mga pilikmata nito, pamilyar ang maiitim niyang mga mata pero hindi niya maalala kung saan at kanino niya ito nakita. She was lost in his gaze.

Bumababa na ba ang mga Greek God mula sa langit? Tanong niya sa kanyang sarili dahil akala mo nakakita siya ng isang Demigod.

“Nurse?” hindi niya namalayan na kanina pa pala siya kinakausap ng lalaki. Napanganga na nga ata siya dahil sa labis na pagka mangha sa lalaking nasa harap niya ngayon. Agad niyang inayos ang kanyang sarili at bumaba na sa kama upang tumuwid ng tayo.

“May kailangan po kayo Sir? Masama po ba ang pakiramdam nyo?” agad niyang tanong sa lalaki upang makabawi.

“Hihingi sana ko ng gamot pero nakita kitang natutulog, aalis na sana ko ng marinig kitang umuungol. Binabangungot ka.” sabi nito sa malalim na boses. Pilit niyang inaalala kung saan nga ba niya narinig ang baritonong boses nito ngunit nuli ay hindi niya ito matandaan.

“P-pasensya na, plano ko lang talaga ang umidlip.” nakayuko niyang sabi. Hindi niya gugustuhin ang mawalan ng trabaho. Hindi niya gustong bumalik pa sa kanilang probinsya.

“Nah. It’s okay. Just make sure na hindi ka matutulog ng saktong alas dose.” mabilis na napaangat ng tingin si Clarisse ngunit palabas na ng pinto ang lalaki. Gusto sana niyang itanong kung bakit ngunit nakaalis na ito at hindi na niya magawang habulin dahil sa pagtataka.

Naiwan na lamang siyang naguguluhan.

to be continued...

Midnight Lover Duology: Tagpuan (to be publish under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon