Kabanata 24

44.2K 628 19
                                    

Kabanata 24

Tahimik na sinisimsim ni Aaron ang kanyang brandy habang pinagmamasdan ang larawang hawak niya. Larawan iyon ng unang babaeng minahal niya ng seryoso, ang dahilan upang kalabanin niya ang sariling kakambal. Si Victoria. Napakaganda ng babae, ang mga mata nitong kumikinang sa tuwing ngumingiti ito, ang mapupulang labing kaysarap halikan at ang malambing nitong boses na kaytamis sa pandinig. Napabuntong hininga na lamang ang binata at sumandal sa kanyang swivel chair.

"Tuluyan na nga bang nawala ang pagmamahal ko sayo?" tanong ni Aaron sa kawalan.

Si Clarisse, nais niyang protektahan ito sa lahat ng mananakit rito, bawat segundong kasama niya ang dalaga ay para bang dinadala siya nito sa alapaap. Hindi na niya maitatanggi pa ang nararamdaman para kay Clarisse. Pilit niyang nilabanan ngunit tadhana na ang gumawa ng paraan upang mapalapit siya sa dalaga. Naroon ang pagkakataon na mananatili siyang gising habang nakahiga sa kama dahil sa kakaisip rito.

Malinaw na ang lahat, kung ano man ang naramdaman niya para kay Victoria noon ay wala ngunit ano pa ba nga ba ang gumugulo sa kanya sa ngayon? Inisang lagok niya ang natitira pang laman ng kanyang brandy at naipikit na lamang ang kanyang mga mata sa labis na kalituhan. Kung may natitira mang alaala ni Victoria sa kanya ay hindi na niya matandaan pa.

"Aaron." napamulat ang binata sa kanyang na-ulinigan. Isa ba iyong guni-guni o isa na namang iyong panaginip.

"Aaron." hindi siya maaaring magkamali kung kaninong boses iyon.

"Victoria." mula sa dilim ay lumabas ang babaeng ilang taon niyang inalagaan sa kanyang puso. Dahan-dahan nitong inalis ang suot na maskara tumambad sa kanya ang napakaganda nitong mukha at ang matamis nitong ngiti.

"Kaytagal kitang hinintay mahal ko." tumabi pa ito sa kanya at hinaplos nito ang kanyang mukha. Wala na siyang maramdaman pa na kahit ano para rito. Pinilit niyang sinubukang lumayo rito ngunit animo siya ipinako sa kanyang kinauupuan.

“Hindi ka ba nangungulila sa akin?” masuyong tanong sa kanya ni Victoria. Ngunit walang boses ang lumalabas sa kanya, hindi pa rin siya makapaniwala kung sino ang kaharap niya ngayon.

“Naalala mo ba yung pangako natin sa isa’t-isa noon? Na magsasama tayo at magiging masaya? Heto ako nagbabalik at isusugal ko ang lahat para lang magkasama tayo muli. Kaunting panahon nalang at mabubuhay na ulit ako. Kaytagal kong hinintay ito mahal ko. Wala na si Allen sa landas natin at mabubuhay ako bilang si—----“

“Hindi na kita mahal Victoria.” sa wakas ay nahanap na rin ni Aaron ang kanyang boses at buo ang loob niyang sinabi ang kanina pa niya gustong sabihin para sa dating minamahal. Gusto na niyang tapusin ang lahat ng kahibangan nito. Hindi niya nakita noon ang kasakiman nito. Pareho lamang sila ng kanyang kakambal. Sakim at makasarili pagdating sa pag-ibig. Nawala ang mga ngiti ng dalaga at makikita ang matinding pagpupuyos ng damdamin nito.

“Anong ibig mong sabihin Aaron na hindi mo na ako mahal? Mahal mo pa din ako! Nalilito ka lamang dahil na kay Clarisse ang aking mga mata. Nandito ako nagbabalik mula sa kamatayan, hahayaan mo bang sunugin ang kaluluwa ko sa impyerno?!” hinarap niya ang galit na magandang mukha ng dalaga. Hindi na niya maalala ang Victoria na nakilala niya noon. Nilamon na ito ng matinding inggit at kasakiman.

“Hindi Victoria. Sigurado ako para sa nararamdaman ko para kay Clarisse. Nakahanap na ulit ako ng dahilan para mabuhay iyon ay ang makapiling at protektahan si Clarisse. Akala ko hindi na ako makakahanap ng babaeng higit sa iyo, meron pa pala. Akala ko katapusan na ang lahat ng mawala ka pero dumating ang tadhana at binigay sa akin si Clarisse kaya naman hindi ko hahayaan na may kumuha pa sa akin ng pinakamamahal ko. Nawala ka na, hinding hindi si Clarisse.” Nag-aapoy sa galit ang mga mata ni Victoria. Akala niya’y hawak niya si Aaron sa leeg ngunit nagkamali ito.

“Pwes sa ayaw mo at sa hindi kukuhanin ko ang katawan ni Clarisse. Sa mga sinabi mo mas lalo akong nanabik na makuha ang mayroon siya. Hinding hindi ko hahayaan na maging masaya kayong dalawa Aaron. Pinapangako ko iyan. Kahit ibenta ko pa ang kaluluwa ko kay Satanas!”

“Aaron! Aaron!” mula sa kawalan ay nag-eecho ang boses ni Clarisse at tinatawag ang pangalan niya.

“Aaron gumising ka! Aaron!” sigaw pa ni Clarisse. Nakita niya ang lihim na pag ngiti ni Victoria na sigurado siyang may binabalak itong masama.

“Kung hindi ko lang din naman makukuha ang katawan ni Clarisse bakit hindi nalang tayo magsama dito sa kabilang dimensyon mahal ko? Hindi ba magandang ideya iyon?” at tumawa ng malakas ang dalaga habang nang-iinis ang mga mata nito.

“Tigilan mo na ang kahibangang ito Victoria!” sigaw niya. Hindi niya alam kung paano makakabalik sa realidad ang kaninang opisina niya ay napuno na lamang ng kadiliman at hindi niya tiyak kung mayroon man iyong katapusan. Ang alam niya ngayon ay na-stuck siya kasama si Victoria.

“Bakit ngayon ko lang naisip ang bagay na iyon mahal ko? Dito magkakasama pa tayo habambuhay hindi tulad sa lupa. Napakagandang ideya hindi ba?” pang-aasar pa ng dalaga.

“Aaron! Aaron gumising ka! Please! Aaron!” gusto niyang malaman kung saan nangmumula ang boses ni Clarisse ngunit umaalingawngaw lamang ito mula sa kawalan. Humalakhak si Victoria na puno pa din ng poise habang pinagmamasdan ang kawalang pag-asa sa mukha ng binata.

“Kawawang Clarisse.” muling hinaplos ni Victoria ang dating kasintahan.

“Kawawa naman ang mahal ko. Huwag kang matakot, magiging masaya tayong dalawa pinapangako ko.” masuyong pangako sa kanya ng dalaga. Agad niyang tinabig ang kamay nito na ikinasama ng tingin nito sa kanya.

“Sa ngayo’y mailap ka pa ngunit pag nagtagal masasanay ka rin sa kadiliman rito. Hindi mo alam kung gaano kalungkot rito mahal ko, masaya ako at nandito ka na.” naisip ni Aaron kung si Clarisse ang mapapadpad sa lugar na iyon nahihirapan na siyang huminga. Hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa babae. Pagkakataon namang ngumiti ng nakakaloko ng binata ng unti-unting nilalamon ng liwanag ang kadilim.

“Anong—---“

 

Pawis na pawis ang binata ng imulat niya ang kanyang mga mata, hinahabol pa niya ang kanyang hininga ng tumambad sa kanya ang nag-aalalang mukha ng kanyang mahal. Agad niya itong niyakap ng mahigpit. Sa tanang buhay niya ay noon lamang siya nakaramdam ng labis na takot. Hindi takot para sa sarili niya kung hindi para kay Clarisse.

“Salamat at nagising ka Aaron. Alalang alala ako sayo.” Humiwalay ang dalaga sa pagkakayap at pinunasan ang pawis sa gwapong mukha ng nobyo. Kanina ay labis ang takot niya ng ilang beses niyang sinubukang gisingin ang binata at hindi tumutugon. Akala niya’y tuluyan ng hindi ito magigising.

“Tinakot mo ko ng husto alam mo ba yun?” hindi na napigilan pa ng dalaga ang maiyak dahil sa labis na takot na naramdaman agad naman siyang hinila ng binata at dinala sa matipuno nitong dibdib at hinalikan siya sa noo.

“Shhh. I’m so sorry my love. Huwag kang mag-alala tatapusin na nating lahat ‘to.” Iniangat ng dalaga ang kanyang mukha na may katanungan sa mga mata. Hinawi lamang ni Aaron ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa magandang mukha ng dalaga at masuyo itong hinalikan sa labi.

“Trust me Clarisse. We’ll get over this.”

itutuloy...

Dedicated to Kuya Miguelito. Nagbackread po kasi ako ng comments tapos nakita ko yung sayo. Hehe. Sana po pag nagkatime basahin niyo ulit and feel free po na mag critic kasi po first time ko magsulat ng Mystery tapos third pov pa. Hindi ako masyadong confident sa kalalabasan nito. Thank youu po.

BonitaBabyy

Midnight Lover Duology: Tagpuan (to be publish under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon