Kabanata 14

47.2K 724 46
                                    

Kabanata 14

Nagising si Aaron mula sa kanyang malalim na pagkakatulog dahil sa isang malakas na hiyaw. Hindi niya malaman kung mula ba iyon sa kanyang panaginip o totoo ang mga hiyaw na iyon. Ilang gabi na rin siyang ginugulo ni Allen sa kanyang panaginip. Tahimik niyang minumura sa kanyang isip ang kakambal.

Hindi lamang iyon isang simpleng panaginip kundi isang parte ng nakaraan. Masamang ala-ala na pilit siyang binabalikan kahit anong paglimot ang gawin niya. Hindi na nga siguro mababalik pa sa dati ang kanyang buhay. Habambuhay na nga siguro siyang uusigin ng kanyang konsensya.

Balak na sanang bumalik muli ng binata sa pagtulog ngunit napabalikwas siya ng marinig ang malakas na sigaw ni Clarisse mula sa katapat na silid. Naalala niyang hindi na nakapag-hapunan ang dalaga marahil na din sa pagod sa biyahe kaya naman natulog na lamang ito magdamag.

Dali-dali ay hinanap niya ang kanyang puting sando at lumabas ng sariling silid.

***

Napabalikwas si Clarisse sa kanyang kama habang sapo ang kanyang dibdib, nanlalamig ang kanyang mga pawis at animo nag-uunahan sa pagtibok ang kanyang puso. Nilulukob pa din siya ng matinding takot. Hindi niya alam kung paano makakawala kay Allen, kahit anong sigaw niya ay akala mo umaalingawngaw lang sa paligid ngunit walang nakaririnig. Iniyakap niya ang kanyang braso sa kanyang tuhod, nagsimula ng tumulo ang mga luhang pilit niyang nilalabanan.

Halos mapalundag ang dalaga ng bigla na lamang iluwa ng pinto si Aaron na nakasuot lamang ng puting sando at boxers, nagpapasalamat siya at dim lamang ang ilaw sa kanyang silid kung hindi ay magiging kahiya-hiya siya sa pamumula ng kanyang mukha. Bumilis ang tibok ng kanyang puso mas mabilis pa sa kanina. May sakit ba siya sa puso? Ano nga ba ang pinupukaw sa kanya ng binata? Tanong niya sa kanyang sarili.

"Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba?" napa-isod siya ng bigla na lamang umupo sa kanyang tabi ang binata at hawakan ang kanyang mukha. Makikita sa mukha ng lalaki ang labis na pag-aalala. Somehow napagaan ng binata ang takot na nadarama niya. Bumalik sa normal ang tibok ng kanyang puso, pakiramdam niya ay inihehele siya ng mga haplos nito.

"Nanaginip kasi ako ng masama. Nakakatakot." ang maramdaman na nariyan ang binata sa tabi niya upang pawiin ang kanyang takot ay sapat na para kumalma siya ngunit hindi niya maiwasan ang maiyak sa tuwing naaalala ang masamang panaginip na iyon. Napayakap na lamang siya kay Aaron dahil pakiramdam niya ay kaya siya nitong protektahan sa kahit ano pang bagay.

Napakagaan ng pakiramdam niya habang nasa mga bisig ni Aaron, pakiramdam niya ay pamilyar na sa kanya ang mga yakap na iyon ngunit alam niyang imposibleng mangyari iyon. Namiss lang siguro niya ang yakap ng kanyang dating nobyo na si Rusell.

"Matulog ka na ulit. Panaginip lang 'yon." gusto niyang maghumiyaw na hindi lamang iyon isang panaginip. Pakiramdam niya ay totoo ang lahat nagsimula na naman siyang manginig sa takot. Alam niyang totoo ang lahat! Hindi nga ba't nagpakita pa sa kanya si Allen? Oo, siya si Allen!

"Sige na. Hihintayin kitang makatulog." seryosong sabi ng binata sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi sundin ito. Dahil sa sinabi ni Aaron ay napanatag siya hindi man nito maaalis ang masasama niyang panaginip ay alam niyang may taong nasa tabi siya at yayakapin siya. May dahilan siya para gumising. Pumikit na lamang siya upang bumalik sa pagkakatulog....

Saglit pa lamang siyang napipikit ay muli na naman niyang naramdaman ang mabigat na pakiramdam at tulad ng nagdaang gabi animo umikot ang kanyang paligid. Alam niyang nasa iba na naman siyang dimensyon kaya idinilat na niya ang kanyang paningin. Ganoon na lamang ang kanyang pagkamangha dahil naroon pa rin siya sa silid na kanyang tinutuluyan sa realidad. Halos mapalundag siya sa gulat ng makita ang isang lalaki na naka-maskara na nakaupo sa kama niya.

"S-sino ka?!! Allen?!!" naghihintakutan niyang tanong.

"Hindi. Ako 'to si Aaron. Huwag kang maingay maririnig tayo ni Allen." lumapit pa ang lalaki sa kanya na ikinahigit niya ng hininga. Napalunok na lamang siya. Ilang metro lamang ang pagitan nila at amoy niya ang mabango nitong hininga. Kita niya ang mapupula niyang labi. Nasisiguro nga niyang si Aaron ang kanyang kausap dahil panatag ang tibok ng kanyang puso.

"Ikaw nga!" niyakap niya ng mahigpit si Aaron. Hindi man niya kilala ito ngunit alam niyang umiibig nga siya rito. Tama ang sabi nito. Siya si Aaron ang lalaking mahal niya. Kung paano at kailan niya ito minahal ay hindi na importante sa ngayon.

Inilayo siya nito sa kanya at masuyong hinaplos ang mukha ng dalaga. Ramdam niya ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Napalunok na lamang si Clarisse ng mapansin na nakatingin si Aaron sa kanyang mga labi. Gusto niyang alisin nilang dalawa ang mga maskarang tumatabing sa kanilang mukha ngunit hindi niya nasisiguro kung papayag ba ang binata.

"Patawarin mo ko kung wala akong magawa pero ilalayo kita kay Allen." pangako ni Aaron and he sealed it with a passionate kiss. Kakaiba ang halik na iyon. Akala mong inilulutang si Clarisse sa alapaap sa sensasyong nadarama. Animo matagal silang matagal na nawalay sa isa't-isa. Nagsimula ng maglakbay ang mga kamay ni Aaron sa kanyang katawan gayundin siya hanggang sa bumaba pa ang mga halik niyo sa kanyang leeg.

Nais sana niyang alisin ang maskara nito ngunit pinigilan siya ni Aaron.

"Not now." ipinagpatuloy nito ang paghalik at masusuyong haplos nito hanggang sa tuluyan na siyang madala sa sensasyon. Bumaba pa ang kamay nito upang isa-isahin ang saplot nilang dalawa at mapahiga sa malambot na kama na naghihintay sa kanila

Pinagsaluhan nilang dalawa ang magdalamag.

Her Midnight Lover

Pag sinabi yung title ending na agad? Hindi pa 'to tapos! Oh ayan! Updated na. Comment naman po. :/ Anyway, nanaginipa na kayo ng ganun? Sex with a Stranger?

VOTE COMMENT RECOMMEND

Midnight Lover Duology: Tagpuan (to be publish under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon