Kabanata 21

44.1K 581 46
  • Dedicated kay Kristine Saavedra
                                    

Kabanata 21

 "The unfamiliar faces in your dreams are the possible ghosts who stares at you while you are in deep sleep" kinikilabutan si Clarisse matapos basahin ang isang article na iyon mula sa binabasang magazine. Naroon siya ngayon sa sala at nagbabasa basa ng magazine habang hinihintay niya si Aaron na may inasikaso lamang sa library. Kulang na lamang ay hindi na siya humiwalay sa lalaki sa labis na takot.

Pinilit niya ang binata na bumalik na lamang sila ng Maynila ngunit tumanggi ito at iginiit na kahit saan man sila magpunta ay susundan at susundan sila nito. Ngayong araw na ito ay kokonsulta na sila sa isang Espiritista. Kailangan na nila ng makakatulong sa kanilang dalawa. Nang nagdaang gabi ay hindi siya nakatulog sa labis na pag-iisip kung ano ba ang kailangan ni Victoria sa kanya. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga at humigop sa kanyang kape.

Halos maibuga ni Clarisse ang iniinom na mainit na kape ng may marinig siyang kalabog mula sa silid ni Allen, agad na naman siyang nilukuban ng takot ng lalo pang lumakas ang mga kalabog. Dahan-dahang tumayo ang dalaga at lumapit sa harapan ng silid ni Allen. Nag-aalinlangan man ay unti-unti niyang hinawakan ang doorknob nito.

"A-anong nangyayari?!" sinubukan niyang pihitin ang seradura ng pinto ngunit naka-lock iyon. Natataranta niyang kinatok ang silid kahit alam niyang wala namang tao roon. Hindi rin niya alam kung bakit niya pa ito kinakatok, naroon na naman ang mga sigawan. Takot na takot si Clarisse na siyang naging dahilan upang mapaupo na lamang siya at tinakpan ang kanyang dalawang tainga.

"Tama na! Tama na! Ayoko na!" pakiramdam ng dalaga ay malapit na siyang masiraan ng bait sa mga nangyayari. Wala siyang magawa kundi ang umiyak na lamang at manginig sa labis na takot.

***

"Clarisse!" halos dalawang hakbang lamang ang ginawa ni Aaron upang  maabot ang takot na takot na si Clarisse. Nais niyang maawa para sa dalaga dahil pati ito ay nadadamay pa sa kahibangan ng kanyang kapatid. Bakit kasi hindi pa matahimik ang kakambal niya. Tahimik na ang buhay nila at handa na siyang lumimot ngunit palagi pa rin nitong pinapaalala ang aksidenteng iyon sa pamamagitan ng panaginip.

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot sa pagkakaalam na nasa tabi lamang ang kaluluwa ng babaeng kanyang minahal. Bumalik man ito ay huli na. Imposibleng magmahal ng isang patay na, isang kabaliwan iyon. 'Oh Victoria bakit hindi nalang natin tanggapin na hindi tayo para sa isa't-isa? Masakit man isipin pero iyon ang katotohanan. Siguro ay nakalaan talaga tayo sa iba at hindi natin ito panahon' kung naroon man ang dalaga'y dasal niyang marinig nito ang kanyang panalangin.

"Ayoko na Aaron! Ayoko na! I don't deserve this!" niyakap niya ng mahigpit ang takot na takot na si Clarisse. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang tunay niyang damdamin para sa dalaga ngunit alam niyang gusto niya itong protektahan at mapasaya. Mayroong parte ng pagkatao niya ang pinupukaw nito ngunit hindi lamang niya magawang pangalanan.

"Nandito lang ako Clarisse." hinalikan niya ito sa noo at doon ay kumalma ang dalaga. Inangat niya ang mukha nito paharap sa kanya at pinunasana ng mga luha nito.

"Wag kang matakot. Hahanap tayo ng sagot sa lahat ng ito." tumango lamang ang babae. Bigla na lamang ay parang may nag-udyok sa kanya upang halikan ang dalaga. He kissed him slowly hanggang sa tumugon na din si Clarisse at humalik rito. Pakiramdam niya ay para siyang nasa langit habang hagkan ang dalaga. Ngayon lamang niya ulit naramdaman iyon dahil buhat ng mamatay si Victoria kailanman ay hindi na siya nagseryoso sa pagmamahal.

"I'm always here for you Clarisse" matapos ang ilang segundong halik ay niyakap niya ng mahigpit ang dalaga na tuluyan ng kumalma.

***

Noong hapon din na iyon ay nagtungo sila sa isang espiritista na ini-rekomenda ng Lola ni Clarisse sa kanya. Sinamahan pa mismo sila nito roon. Madilim sa loob ng munting kubo at sinalubong sila ng isang matandang babae na sa tantiya ni Clarisse ay nasa otsenta na ang edad nito. Nakatungkod ang matanda at mayroon itong itim na tela na nakatakip sa kaliwang mata nito. Mapapansin ang katandaan sa pangangatawan nito ngunit malakas pa.

"Siya si Impong Teresita. Siya ang kilalang albularya dito sa bayan na ito. Impo siya si Clarisse ang apo ko at ito naman si Aaron." pagpapakilala ng kanyang lola sa kanila. Agad na lumingon sa kanya ang matanda at pinakatitigan siya nito sa mata nagdulot sa kanya ng kaba at takot.

"A-ano pong ginagawa ninyo?" nauutal niyang tanong sa matanda na nakatitig pa din sa kanyang mga mata.

"Minsan ba napaginipan mo na parang nahulog ka?" tanong ng matanda habang nakatitig pa din ito sa kanya. Kahit naiilang man ay inalala niya kung naramdaman niya iyon.

"O-opo. Paminsan minsan. B-bakit ho?" nagtataka niyang tanong sa matanda.

"Sa tuwing nananaginip ka at pakiramdam mo ay nahuhulog ka sa isang mataas na lugar ang ibig sabihin niyon ay mayroong kaluluwa na sinusubukang sumanib sa iyong katawan."

"S-si V-Victoria?" takot na takot na tanong ni Clarisse sa matanda.

"Malapit lang siya sa iyo. Gustong gusto niyang makuha ang katawan mo hija upang makabalik sa mundong ito. Hinihintay lang niyang humina ang iyong katawan. Ginugulo ka niya upang humina ang sistema mo at paniniwala hanggang sa makakuha siya ng malakas na enerhiya upang mapaalis ang kaluluwa mo sa iyong kataawan." napaupo na lamang si Clarisse at nakaramdam ng matinding panghihina.

"Nandito lamang siya sa malapit hija. Malapit sayo. Napakalapit.

itutuloy...

Midnight Lover Duology: Tagpuan (to be publish under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon