Chapter 12

58.2K 1.5K 266
                                    

JETT

Malayo pa lang ay tanaw na na ni Jett ang girlfriend na si Cielo na nag-aabang sa tapat ng kanyang apartment.

Napamura na lang siya sa loob-loob niya. Tsk, kung 'di nga naman siya minamalas. Ano naman bang ginagawa ng babaeng 'yon do'n? Gabi na at umuulan pa nang malakas pero nagawa pa rin siya nitong puntahan.

Pinarada niya ang kotse sa tapat at bumaba na may bitbit na payong. Nilapitan niya agad si Cielo. "Why are you here?"

"Tinatawagan kita eh, hindi mo naman sinasagot. Sabi mo diretso uwi ka na? E ba't ngayon ka lang nakarating? Sa'n ka nagpunta?"

Hindi ka'gad siya nakasagot. Bukod kasi sa hindi niya narinig nang maayos ang sunod-sunod na mga tanong nito dahil sa lakas ng ulan, e inuna niya munang buksan ang naka-lock na gate para makapasok na sila.

"Sabi ko kung sa'n ka ba nagpunta?" tanong naman uli ni Cielo habang paakyat sila ng hagdan.

"Dumaan lang ako sa school," sagot niya. "May nakalimutan ako."

"May nakalimutan? Oh really. Siguro may kinita kang ibang babae, 'no?"

Napa-iling iling na lang siya. Ano, nagpunta ba ito roon para lang sermonan at hulihin siya? Hindi niya na sinagot. Ang totoo, wala siya sa mood makipag-usap. Basag pa rin kasi siya dahil sa nangyari kanina sa eskwelahan.

Hindi siya sinipot ni Fina kanina sa dapat sana'y tagpuan nila.

Mahigit isang oras siyang naghintay. Ilang beses niya itong sinubukang tawagan, pero hindi talaga ito sumasagot. Natapos na nga lang ang practice ng mga varsity players sa gym pero hindi pa rin dumarating si Fina. Sobra siyang nalungkot. Bigla siyang nawalan ng lakas.

Idadaan na nga lang sana niya sa tulog ngayong gabi kaso ang malas dahil dumating pa si Cielo. Lalo lang tuloy siyang na-badtrip.

"Hindi mo na 'ko sinagot?" pagkuha ni Cielo sa atensiyon niya nang makapasok na sila sa loob ng unit.

Bumuntong hininga siya. "Sasagutin kita, tapos 'di ka naman maniniwala. Pagdududahan mo pa 'ko. Ba't mo ba 'ko pinuntahan? Ang lakas ng ulan, o. Nag-commute ka?"

"Nag-taxi ako."

Tiningnan niya ang itsura nito. "Ba't ganyan suot mo? Ang ikli ng shorts mo."

"Gan'to naman talaga 'ko mag-shorts, ah?"

"Mababastos ka dito. Magpantalon ka nga sa susunod."

"Bakit ba ang init ng ulo mo? Naka-kunot na naman 'yang noo mo. Pinuntahan na nga kita."

"Ba't ka nga pumunta?"

"Dinalhan kita ng pagkain." Pinakita nito ang bitbit na brown paper bags ng mga pagkaing galing sa isang fast food restaurant. "Baka kasi wala kang pagkain dito, e."

Napapikit na lang siya nang madiin habang binubuksan ang mga butones ng pang-itaas na uniporme. Naka-puting t-shirt at slacks na lang siya ngayon.

Pinatong naman ni Cielo ang pagkain pati na rin ang bitbit na maliit na satchel bag sa ibabaw ng table. "Paghahandaan na kita, gusto mo?"

"'Wag na. Iwan mo na lang diyan. 'Lika na, ihahatid na lang kita pauwi sa Tita mo."

"Ayoko. Dito 'ko matutulog. May dala 'kong damit."

Tsk. Napahilot siya sa gilid ng noo niya. "Hindi ka pwedeng matulog dito, Cielo."

"Bakit hindi? Magkasama naman tayo matulog sa Antipolo minsan, ah."

"Mag-aaral pa 'ko. May exam ako bukas."

"E 'di mag-aral ka. Hindi naman ako manggu-gulo."

Hindi niya na lang uli sinagot. Dumali na naman ang pagiging maldita nito.

Mending Fina [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon