Chapter 25: My everything

4.7K 107 37
                                    

(Friday @LS Dorm)

~Ara's POV

"Baby, are you ready na para sa date natin? I'll pick you up at exactly 7 okay? See you! I super duper love you!" Hindi na ako sumagot, binabaan ko na lang si Thomas. Para kasing sirang plaka yung mokong, kanina pa paulit-ulit na tumatawag ta's paulit-ulit lang din naman yung sasabihin, na-LSS na nga yata ako sa mga sinasabi nya eh (LSS? XD) Masyado yata syang nasiyahan sa pagpayag ko na makipagdate sa kanya mamaya. Speaking of, hindi naman dapat ako papayag eh kung hindi nya lang ako pinilit. Nakakaawa kasi ang pagmumukha nyahabang pinilipilit ako, para syang si Bimby na nagmamakaawang palitan na ang pampers nya.

"Oh daks?Anong ganap?Ba't parang imbyernang-imbyerna ka? Tingnan mo, napakaganda ng panahon, Sayang naman ang araw na ito kung sisimangutan mo lang!" Bigla namang singit ni Mika, tiningnan ko lang sya saglit saka ako humiga at nagtalukbong ng kumot. I so hate this life! Ayaw na ayaw ko talaga yung pinaplano ang mga bagay-bagay gaya na lamang ng mga date-date na yan, Napapraning kasi ako to the nth power, mas gusto ko yung surprise dates eh, dati kasi, biglaang mga dates lang ang meron kami ni Thomas kaya walang ganitong Factor.Thomas naman kasi? Napapraning na tuloy ako kung anong susuotin ko, kung anong aasalin ko, kung anong gagawin ko! Ugh! Damn!

"Hoy Galang! Maghunus-dili ka! Nahiya naman ako, Dyowsa pa talaga ang dinedma mo!" narinig kong sabi nya, biglaan naman nyang hinila ang kumot ko.

"Ano ba?!" Pagalit kong sigaw, sa inaasal ko ngayon daig ko pa ang magmemenopause, eh kasi naman sumasabay pa'tong si Thomas sa Red Alert na meron ako kaya tuloy bukod-tangi ang kaartehan ko ngayon, Well, may karapatan naman akong mag-inarte, MAGANDA EH!

"Arte mo, di bagay! Ano bang problema mo?" natatawang sabi ni Mika sa akin, kahit kalian talaga 'tong babaeng 'to, Sobrang nakakaasar. Yung tipong buset na buset ka na tapos sya tawa lang ng tawa? Ugh! Bestfriend nga naman! Umupo na ako sa kama namin saka tinitigan si Mika.

"Si Thomas kasi eh!" Maarteng sabi ko sa kanya.

"Ano na namang meron kay Thomas? Nag-away na naman kayo? Ano na naman ba ang pinag-aawayan nyo?" sabi naman nya na para bang nag-iisip kung ano ang mga maaring dahilan ng pag-aaway namin ni Thomas.

"Eh kasi sinabi nya sa aking magdedate kami mamayang gabi!" Naiinis na sabi ko sa kanya, ang sarap ko talagang sabunutan sa kaartehan na ginagawa ko ngayon.

"Alam mo Ara, Para kang timang ha?Noong si Ianny ang dinidate nya, ang dami mong kaartehan.ngayon namang ikaw na ang ididate nya, Mag-iinarte ka na naman ulit. Yung totoo? Sino ba talaga anggusto mong makadate nya? Si Jeron? AVO?Kib? Gab? O baka naman si Kim?" Nagtatakang tanong ni Mika.

"Nakakatulong nga yang mga pinagsasasabi mo, Mika" sarkastiko kong sabi sa kanya.

"Eh kasi naman, I don't see any reason para mag-inarte ka ng ganyan" sabi nya ulit sabay cross hands at roll eyes pa, dukutin ko mata nito eh!

"Ugh! Mali kasi lahat eh! Hindi nya dapat ipinapaalam sa akin magdadate kami, dapat sinurprise nya na lang ako!"sabi ko sa kanya saka ko sinipa-sipa yung mga unan na nasa paanan ko.

"Di kita gets, daks? Na-imbyerna ka na dun?" Sabi naman nya habang nagsascan sa phone nya.

"Sinabi mo pa" Asar na asar na sagot ko sa kanya, tumawa lang naman sya. Sira na yata ang utak ng babaeng 'to!

"EXCUSE ME? MAY NAKAKATAWA BA DUN?" Mataray na tanong ko sa kanya.

"Wala, nagets lang kita kaya ako natawa" sabi nya naman ng natatawa pa rin, sya ngayon ang hindi ko magets. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Isa pa 'tong si Mika eh!Dagdag Imbyerna Vibes.

How to Chase the Love i had before (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon