Chapter 8: FRIENDZONED

8K 96 24
                                    

~Ara's POV

"Daks! Gising na!"

Daks? Feeling close rin itong si Trip at tinatawag nya akong daks ha? Kapal ng pagmumukha ng lalakeng 'to! Si Mika Reyes lang kaya ang pwedeng tumawag sa akin ng Daks-Wait? Baka naman si Mika Reyes 'tong gumigising at umaalog-alog sa akin ngayon? Pwe! Imahinasyon nga naman! Di ba nga, Ara? Na-lock ka sa Stock Room ng Sports Complex at kasama mo yung kambal ni Thomas na syang sinasandalan mo-Wait? Ba't nakahiga na ako? Sa isang *pindot pindot ng higaan* Malambot na kama, Wag nyong sabihing? WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! Pinagsamantalahan ako nang TRIP na yun >.< Ang aking pinakainiingatang katawan! WAAAAAAAAAAAA!

"Victonara Galang! Gigising ka o maglalakbay ka sa Mars? Pili ka, madali! XD"

Idinilat ko na ang aking mga mata at handa na sana akong sampalin si Trip na nag-aala Mika Reyes nang bigla kong narealize na si MIKA REYES pala talaga ang nasa harap ko >.< nilibot ko kaagad ang aking mga mata, at confirmed, wala ako sa Stock room ng Sports complex -_________- tiningnan ko si Mika Reyes na ngayo'y nakapamewang sabay taas ng isang kilay.

"Kanina mo pa ako ginigising daks?" tanong ko sa kanya nung maconfirm ko na nasa dorm ako, nakakapagpabagabag talaga? Paano naman daw ako napadpad dito? >.< Don't tell me, may nangyaring himala at bigla na lang nag transport yung katawan ko papunta dito? XD

Mika: Ay hindi, Ngayon lang kita ginising, Halos mapaos na nga ako eh :D

Ako: Salamat sa matinong sagot, na-appreciate ko >_________________<

Tumayo na ako sa aking kinahigaan at agad na kinuha ang aking tuwaliya, saktong wala ng taong sa banyo, Maliligo na ako para marefresh ko ang aking utak dahil naloka ako sa kakaisip kung ano ba ang nangyari kagabi?! Dinaig ko pa talaga ng lasing na hindi makalala sa nangyari :D HUHUHU TT___TT Siguro nga si Trip nagdala sa akin dito, Ayos din si trip, di man lang ako ginising, di ko tuloy nakita pagmumukha nya. Pero bago ako makapasok sa CR, biglaan naman akong hinatak ni Kim Fajardo pabalik sa higaan ko, Syempre naman, NAGPAHATAK AKO! Ano namang magagawa ko? As if namang may laban ako dun sa muscles ni Kim XD

Ako: Problema mo? Makahatak ka naman! Halos punitin mo naman 'tong damit ko? XD

Kim: Sa'n ka nanggaling kagabi?

Ako: Ay? Nanay? Ikaw ba yan >.<

Kim: Seryoso ako >______________<

Ako: Ako rin XD

Kim: Saang parte ng katawan mo gusto magkapasa?

Ako: Thank you for that wonderful question, Well I believe that heart is the most fragile-

Kim: ARAAAAAAAAAA! UMAYOS KA NGA -______________-

Ako: Loka ka! XD Ano ba kasing drama mo? Sabihin mo na nang makasakay naman ako! :D

Kim: Sa'n ka nga galing kagabi? >.<

Ako: Nag-explore, Ang misyon? Search for the lakwatserang wallet! XD

Mika: Eh? Ganun katagal? Lokohin mo nang lahat wag lang kaming mga barkada mo :P

Ako: di ako nangloloko! ka-apelyedo ko nga si Honesto oh :D

Cienne: Ang hirap mong paniwalaan sa ganyang lagay, Arsyyy -.- Sakit sa Split ends ng mga pinagsasasabi mo! Kakakiyak >.< XD

Camille: Seryoso na nga, Galang!

Ako: Naghanap nga lang ako ng wallet ko, Medyo natagalan kasi ayaw nyang magpahanap *taas baba ng kilay*Maliligo na talaga ako! Subukan nyong hatakin ulit ako at talagang tatanggalan ko kayo ng ngipin sa harap! XD

How to Chase the Love i had before (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon