Chapter 42: All of the stars

1.8K 43 0
                                    

~Ara's POV

"Daks, Chill ka lang! Malay mo ba naman, busy sa training yung tao kaya di ka natetext diba?" Sabi ni Mika sabay bigay sa akin ng tinimpla nyang gatas. Pangatlo ko nang araw dito sa hospital. Since may inasikaso ulit si Mama at tapos na ang lahat ng subjects ng mga bullies sa araw na'to, Sila ang nagbantay sa akin ngayon.

"Kagabi pa nga di nagtetext sa akin simula nung umalis sya, diba? Wag mo namang sabihin sa akin na nagtratraining din sila nun? Ano? 24 hours silang nagtraining? Kapag talaga sila, hindi pa nagchampion ngayong susunod na season, Ewan ko na lang. Simulan na nyang mag-impake, paglalakbayin ko sya sa Milky way" Sunod-sunod kong sabi sabay inom nung gatas na inihanda ni Mika. Natawa naman ang bullies sa sinabi ko. Aba? Tototohanin ko talaga 'tong si Thomas. Well, as stated above, kagabi pa kasi talaga ako hindi tinitext nung mokong simula nung umalis sya dito ng bandang 7pm. Tapos hanggang ngayon na 8pm na, wala pa rin akong natatanggap na text. Hindi naman yata makatarungan yun? Kahit naman sobrang sama ng ugali ko sa kanya, Nag-aalala rin ako.

"Baka naman kasi ayaw ka lang itext kahapon baks, Alam mo naman yang si Thomas ayaw na ayaw magtext habang nagdadrive diba?" Sabat pa ni Carol. Inirapan ko nga. Sa sampung beses na binubuka nya ang bibig nya, Siyam na beses syang nagsasabi ng katangahan. At isa ito sa siyam na katangahan mula sa kanya.

"Eh bakit hanggang ngayon di pa ako tinitext? Wag mo saking sabihing nagdadrive pa rin yung loko? Baka nakalabas na sya sa earth kakadrive nya" Sagot ko, tumawa ulit ang bullies. Teka nga? Tinutulungan ba ako ng mga litseng 'to? Bakit puro tawa lang ang naririnig ko sa kanila?

"Ang laki nyong tulong, Mga punyeta" Inis kong sabi sabay irap. Tumawa sila ulit. Last na'to! Ayoko nang magsalita, Nakakatanga yung galit ka na't lahat-lahat, tinatawanan ka pa rin ng mga hukluban mong kaibigan.

"Ikaw kasi. Kapag nandito si Thomas, palagi mong inaaway, ta's ngayong hindi nagpaparamdam sayo, Hindi ka na mapakali. Marunong ka palang mag-alala?" Sabi ni Camille sabay tawa. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang irap ko na'to.

"Natural, boyfriend ko 'tong hindi nagpaparamdam! Mahal ko yun kaya natural, mag-aalala ako dun!" Galit kong sabi. Natawa sila lalo. May nakakatawa ba sa sinasabi ko?

"iba na talaga pag-inlove, nagiging cheesy na!" Sigaw pa ni Cienne sabay ini-form ng heart yung dalawang kamay.

"Ewan ko sa inyo, Nakakawalang gana kayo sa buhay!" Sigaw ko saka inubos na ang gatas ko. Panay tawanan naman sila. Inilabas ko na lang ang phone ko, makapag-twitter na nga lang.

Pagkabukas ko ng phone ko, tumambas kaagad sa akin ang wallpaper na picture namin ni Thomas nung nagbakla-baklaan sya para ligawan ako. Sya ang nag-wallpaper nito kasi ang cute daw namin dito. Nakaside hug sya sa akin tapos seryoso akong tinitingnan na akmang ikikiss ako sa right cheek ko, ako naman nakangiti ng sobrang laki sa camera. Ang cute nga namin talaga. Napangiti naman ako habang inaalala yung nangyari nung araw na yun. Pero bigla ko ring naalala, May atraso sa akin 'tong si Thomas, kaya agad kong inilapag sa side table ang phone ko at binura ang ngiti sa mga labi ko.

Minabuti ko na lang humiga. Susubukan kong matulog para hindi ako isip ng isip kung ano nang nangyari sa magaling kong boyfriend. Nakakastress kaya. Like hello? Binigyan nga ako ng 1 week break ng mga proffessors and ng coach ko para hindi ako mastress, ii-stressin ko naman sarili ko? Pwe!

Biglang may kumatok sa pinto. Napabangon naman ako kaagad. Parang na-relieved yung puso ko. Sa wakas nandito na si Thom-

"Miss Victonara Galang?" Sabi nung in-charged nurse na gwapo. Siya ang tumambad sa amin pagkabukas na pagkabukas ng pinto. Tumango lang ako. Nakakadisappoint na talaga 'tong nagyayari eh! Sa'n na ba kasi yung si Thomas? Diba sa mga ganitong oras pinagpapahinga na ang mga athlete? Kaya imposibleng nagtatraining pa sila hanggang ngayon. Tapos, Every 7 to 8 pm ang oras na dinadalaw ako ni Thomas. Imposible namang malimutan nya yun!

How to Chase the Love i had before (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon