Chapter10: Ang buhok na abot Katipunan

8.2K 92 34
                                    

~Ara's POV

"Naku! Galang, Matutubuan na talaga tayo ng ugat dito eh! Ano ka ba? Ibibigay mo yan o maglalakbay ka papuntang Mars nang hindi man lang gumagamit ng space vehicle?" Sabi sa akin ni Mika ng nakataas ang isang kilay at halos masabit na sa kesame, sabi na nga ba eh! Susunod to sa yapak ni Ianny :D Pati pagkasabit ng kilay sa kesame, trip nyang gayahin XD Anyways, kung nagtataka kayo kung saan kami at anong ginagawa naming, Nandito lang naman kami sa ibang ibayo ng world, Chooosss! Na'sa locker room lang naman kami, Ako, Nakatayo't nakahawak ng isang Chocolate mousse cake at ang bullies na pinapalibutan ako at pinipilit na ilagay sa Locker ni Thomas Torres itong hawak-hawak kong cake! Ugh -___- Ewan ko ba kung anong ka-cornyhan na naman ang naiisip ng mga hukluban kong mga kaibigan at trip na namang magbigay ng cake kay Thomas, eh sa malayo pa naman birthday nya eh >.< Inirapan ko lang si Mika na patuloy akong pinipilit, Kaya hinila ako ng mga bullies papalapit sa Locker ni Thomas, Ako naman? Kahit magpumiglas raise to the power of 10, wala pa ring effect! Hello? Apat sila, Isa lang ako! Alam nyo naman siguro ang difference ng apat at isa no? :D

Ako: teka nga! Bitawan nyo nga muna ako, Mga Letcheng kaibigan 'to!

Binitawan naman nila ako at sabay-sabay na nagcrosshands sa harap ko, Take note, SABAY-SABAY! Synchronize na synchronize :D Anyways, pagbitaw na pagbitaw nila sa akin agad ko namang pinagpagan at inayos ang sarili ko, kasi nga mukha akong babaeng walang kamuwang-muwang na ni-rape ng sampung lalake! XD gusot na gusot at halos mapunit na yung damit ko, ta's yung buhok ko parang hinangin ng tsunami nang hindi ako nainform, Alam nyo yun? XD

Ako: Guys, Pwede ba? bago nyo ako hila-hilahin, Paki-explain muna sa akin ang drama nyo!

Padabog ko itong sinabi, Aba? Magdadrama muna ako ngayon no? Tsk! Hindi kaya makatarungan yung ginawa nila sa akin, Sa hitsura ko kanina para akong minolestya't minalitrato ng lubos -____- Ang ganda kong 'to? Ginaganun lang! Excuse me, Di yan pwede kay Enrile XD (ANUDAW? :D) tsaka isa pa, hindi ko naman kasi maintindihan yung drama nila, biglaan ba daw akong hilahin papunta dito, bigyan ng cake at pilitin na ilagay sa locker ni Thomas? Aba! Paki-explain nyo nga ang nagaganap! Donya pa naman ako, ba't di ako na-inform sa mga pang-hampaslupang Gawain nitong mga kaibigan ko! XD

Cienne: Akala ko ba magpapatulong ka sa Lovelife mo?

Ako: oo nga, pero hello? Ano naman daw magandang maidudulot ne'to aber? -___-

Camille: Isasaksak ko na talaga sa baga mo yung memo plus gold eh! Diba nga? Second step to sa 5 ways to get your ex back slash seducing Thomas Torres operation mo!

Napa-facepalm naman ako ng bongga sa narinig kong yun! So, Seryoso pala itong mga kaibigan ko sa 5 ways na yun no? So alam ko na talagang ang papupuntahan nito ay pipilitin nila akong seryosohin yung mga steps nila, Kasi nga daw bukod sa 'NAKASIGN AKO NG KONTRATA' ako rin naman daw ang makakapakinabang dito kaya mag-ride nalang daw ako, At so far, sa paggawa ko ng first step, bagama't masakit sa simula, maganda naman ang kinalabasan, SA NGAYON. Kaya naman, Kahit na tingin ko mababawasan ng 5% ang pagkababae ko ne'to, Gagawin ko na lang! XD Pero teka, Objection your honorsssss :D CAKE talaga ang ibibigay ko? Pwe! Di ba pwedeng Candy na lang, Sweet din naman yun, diba? XD

Ako: But wait ... *tingin sa cake, tingin sa kanila* Sayang naman ne'to, Red Ribbon pa naman >.<

Kim: Utang na Loob Ara! Tingin mo ba, hindi kami natakam sa letsugas na cake na yan?

Ako: Makasigaw 'to! Hindi ako bingi, Ano ba? Pakihanaan ng boses mo! Hiyang-hiya naman ako, Dyowsa, sinisigawan ng isang hampaslupa! Wow ha? XD

Kim: Maka-insulto 'to -___- basta, ang point ko lang naman ay wag mo nang pagnasahan yang cake, ilapag mo na yan sa Locker ni Thomas kasi time is gold!

How to Chase the Love i had before (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon