Chapter 46: I can't lie to myself

1.5K 40 10
                                    

~Mika's POV

"Para mo nang awa daks! Papayag na talaga akong ikaw ang pinakamaganda sa team kahit labag sa kalooban ko yun, basta ba samahan mo lang ako!" Pagmamakaawa sa akin ng babaeng kaka-recover lang sa pagkapilay.

Kanina pa nya akong umaga kinukulit na samahan sya dahil dapat ko daw pangatawanan ang pagiging masipag ng 0.7 percent sa mga bullies. Pero no, Ayaw ko. Nililinis ko pa ang kagubatan. Mamaya, kung ano pang masabi ni Jeron. Baka isipin nyang naghiwalay lang kami, hindi na ako marunong magbunot ng buhok sa kili-kili. Ayaw ko nun.

"HINDI. AYAW KO!" Kanina ko pa sinasagot sa kanya yan, hindi pa rin natitinag. Lumapit ulit sya sa akin at niyugyog ako. Ay punyeta! Muntikan ko nang maipit ng puller yung balat ko sa kili-kili!

"Daks, para mo nang awa! Madidiscourage sa akin si Thomas! Ayaw ko nun!" Agad namang nanlaki ang mata nya matapos nyang sabihin yun, Mabilis rin syang nagtakip ng bibig. Binigyan ko naman sya ng mapang-asar na ngiti. Napilay lang, naging cheesy na. Iba na'to!

"M-mali ang iniisip mo no!" Pagpapalusot nya saka tumalikod sa akin. Nagawa pang mag-blush ng bruha. Iba na talaga 'to!

"Ginayuma ka ba ni Torres at nagiging ganyan ka na ka-pabebe?" Pang-aasar ko sa kanya. Swerte nya't wala dito ang iba pang mga bullies. Nasa baba kasi sila tas si Cienne may lalakarin lang daw saglit. Napagtulungan na 'tong si Ara kapag nagkataong nandito ang mga 'yon.

"Wag mo kong simulan, Reyes! Hindi ko nagugustuhan ang tabas ng dila mo!" Inis na sabi nya sa akin.

"Ay hindi pala gayuma, Pag-ibig lang pala talaga!" Pang-aasar ko pa. Agad namang may lumpiad na unan mula sa kama nya. Buti nga mabilis reflexes ko at napailag ako.

"Kunin mo!" Pag-utos nya sa akin sabay nguso dun sa unan na tinapon nya.

"Ikaw kaya nagtapon! Ikaw kumuha!" Ganti ko naman.

"Masipag ka ng 0.7 sa akin!"

"Noon lang yun nung kami pa ni Jeron!"

"Anong gusto mong i-imply?"

"Na dapat balikan nya ako para masipag na ako ulit!"

"MALANDI! MAHAROT!" Sigaw ni Ara saka binato sa akin ang mga unan na nasa kama nya.

"Bakit? Wala ba akong karapatan? Eh ikaw nga noon—"

"Itutuloy mo o sasakalin kita hanggang tumirik yang mga mata mo?" Inirapan ko lang sya saka bumangon at pinulot ang mga unan na pinagtatatapon nya kanina at tinapon pabalik sa kanya.

"Edi sakalin! Papayag pa naman sana akong sumama na sayong bumili ng de—"

"Sinong nagsabing sasakalin kita? I-uuntog ko sa baby teeth mo!"

"Ngipin ko na naman nakita mo!"

"Cute kasi eh! Mana sa akin! Tara na samahan mo na ako?"

"Oh sige na! Bihis lang ako saglit!"

Nagningning naman ang mata ng bruha. Spoiled talaga! Kapitana na sya ng dorm na ito, sanay pa ring bina-baby. ISISI NATIN KAY THOMAS ANG LAHAT NG 'TO! Anyway, matapos naming nagbihis ay agad na kaming nagpunta ng 10-Q.

Matapos naming bumili ni Ara ng deodorant, bumili na rin kami ng marami pang pagkain. Actually, nakapag-grocery na talaga kami kahapon sa MoA pero wala pa din akong tiwala sa mga pagkaing nabili namin. Kukulangin yun for sure. Eh kasi naman stress kaya kaming mga bullies. Ako stress kay Jeron. Si Carol naman kay Kib. Si Cienne kay AVO. Si Cams sa baba nya. Si Kim sa kutis nya. Si Ara ... kahit hindi stress yun, malaki pa rin lamon nun. Kaya kailangan naming magstress-eating at hindi namin magagawa yun kung kukulangin ang pagkain. Gets?

How to Chase the Love i had before (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon