Chapter 28: Conflicts arise

3K 51 3
                                    

*Ara's POV*

Grabe ang bigat ng katawan ko ngayon, Ayaw ko sanang pumasok at magtraining kaso ano pa bang magagawa ko? May exams kami ngayon plus laro namin bukas laban sa UST kaya kahit napakabigat ng katawan ko, Kinaya ko pa ring maggising ng maaga at gisingin ang mga teammates ko (#CaptainDuties) Ay Oo nga pala, Mga ilang buwan na ang nakalipas, Ag bilis rin ng panahon, 2nd round na ng elimination at sa buong season ng UAAP ako ang magiging captain kaya ayun kinareer ko na talaga. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ako ang pinili ni Coach, Like Excuse me? MAGANDA AKO gaya ng mga naunang captains pero ay ewan basta kalagitnaan na ng season, Nag-iisip pa rin ako kung paano ako naging captain.

*Incoming call Mika Maganda*

Ako: Oh? Bakit na naman?

Mika: Tapos ka na ba sa Exams mo, Daks ko? *Malambing na boses*

Ako: Heh! Daks ko-Daks ko ka dyan! Ba't ganyan boses mo ano nakain mo?

Mika: Sagutin mo na lang ako, okay? Leshe!

Ako: Tapos na, Eh san ka ba ngayon? Kain tayo, gutom na ako.

Mika: Sige Sige, Kita na lang tayo sa Cafeteria, Daks ko ha? Sya nga pala, Maayos na ba pakiramdam mo?

Ako: Hmmm ... Medyo masakit pa rin ang ulo ko tapos yung sipon ko mas lumalala tapos mabigat pa ang katawan ko-

Mika: Oo at Hindi lang, Leshe! Daming satsat!

Ako: HINDI! IMBYERNA! SALAMAT SA CONCERN HA!? BYE!

*Call Ended*

Ewan ko lang talaga dito kay Mika Reyes, Simula nung medyo magkalabuan sila ni Jeron naging napaka-moody, Oo tama nga kayo ng nabasa. NAGKAKALABUAN NA SI MIKA AT JERON.Sa haba ng panahon na hindi nakapag-update si Author, Ang dami ng nangyari, okay? Anyways, ang sabi ni Mika, Busy daw siya at si Jeron sa kani-kanilang mga buhay nila pero hindi ako naniniwala dun kasi noon kahit anong busy naman nila naghahanap pa rin sila ng oras para sa isa't isa. Siguro may rason lang talaga na ayaw sabihin ni Mika sa akin dahil hindi pa sya handa.

Wait teka lang! Ano 'tong medyo basang tumutulo palabas sa ilong ko ... teka nga, hawakan ko nga ... hala malagkit! Tapos ... Medyo Green in color. Oh-My-Gee! This might be ...

"Sipon" bulong ko sa sarili ko habang natatarantang tinatakpan ang ilong ko dahil sa pagdaan ng grupo ng studyante. Agad ko namang hinanap ang panyo ko.

Hinanap ko sa bulsa ko ...

Sa Bag ...

Sa wallet ...

O Baka naipit sa mga librong dala ko ...

Oh-My-Gosh! Palabas na naman si Mr. Green, Maka-Lasalle talaga ako eh! Pati sipon ko, Green nagreen! Huhuhu!(#LasallianProblem) Utang na loob, huwag mo akong ipahiya, Kilala ako bilang Green Phenom at isa sa mga key player ng team ko tapos biglang kang tutulo ng ganyan, Wag naman please? Nakakabawas ng Moral yon! Bumalik ka muna ha? Pakiusap lang!

"Boo!"

"AY! ANAK NG GREEN NA SIPON!"Agad kong tinakpan ang ilong ko dahil hindi na talaga nagpapigil ang sipon ko, LUMABAS NA TALAGA SYA! Huhuhu!

How to Chase the Love i had before (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon