Chapter 24: Her savior

4.3K 90 39
                                    

~Chapter24

~Ara's POV

"Baby? Please? Pumayag ka na! Ilang weeks na tayong hindi nakakapagdate dahil dyan sa PNG na yan kaya pagkakataon mo na 'tong bumawi sa akin " Madamdaming pahayag ni Bimby sa akin. Simula nung sinundo nya ako Classroom ko hanggang dito sa hallway, wala syang ibang bukambibig kundi ang pamimilit sa akin na sumama sa kanya sa isang Bar ngayong Friday.

"AYOKO" Sabi ko naman sabay tulak sa kanya, Nakaharang kasi sya sa harapan ko ngayon.

"Friday, I'll fetch you at your dorm at exactly 6pm whether you like it or not" Matigas at seryoso nyang sabi pagkatapos ay pagalit na isinauli ang bag ko sa akin at nauna nang maglakad. Gago pala 'tong lalakeng 'to eh! Sabi nya ihahatid nya ako sa dorm? Tapos iniwan nya ako ng mag-isa dito sa Hallway?

"THOMAS TORRES!" Malakas kong sigaw, Good thing wala masyadong tao dito sa hallway, Napalingon naman si Bimby ng may pagtataka sa kanyang pagmumukha. Binato ko nga sa kanya yung bag ko, Ayun! Sapul sa Mukha. Akala nya ha?

"Ouch! What's wrong with you?" Pinamewangan ko lang sya sabay taas ng isa kong kilay, Napailing na lang sya sabay pinulot ang bag ko at naglakad papunta sa akin.

"Ano bang problema?" Sabi nya nung makarating sya sa harapan ko.

"Sa'n mo balak pumunta?!" Pasigaw kong tanong habang pinapalo yung braso nya, Sya naman todo ilag lang.

"Maghahanap sana ng babaeng hindi sadista" Sabi nya habang iniilagan pa rin ang patuloy na pagpalo ko sa kanya. Litseng Kupal 'to! Pinapainit talaga ng husto ang ulo ko. Hindi ba nya alam na dahan-dahan nang umaakyat ang dugo ko sa ulo ko at anytime may lalabas ng usok sa ilong ko.

"Okay, Fine!" Tinigilan ko na ang pagpalo sa kanya, marahas kong hinablot ang bag ko at tumalikod. Litse talaga! Stress na stress na nga ako dahil kakatapos lang ng PNG where in naging Instant Kapitana ako pagkatapos pagbalik ko dito sa University, tinadtad pa ako ng paperworks ng mga dakila kong Prof. Dadagdag pa 'tong Punyaterang Minion na'to na saksakan ng Arte!

"Oh? Pagkatapos mo akong bugbugin, Iiwan mo ako dito?" Narinig kong sabi nya, Aba? Matapos nya rng sabihing maghahanap sya ng ibang babae, may gana syang magsalita ng ganyan? Like DUH! Di ko nga nilingon! MAGDUSA SYA!

"Ara! Bumalik ka dito! Sa'n ka pupunta?" Naramdaman kong naglalakad na rin sya para habulin ako kaya mas binilisan ko yung paglalakad ko.

"Maghahanap ng Lalakeng makakatiis sa isang Sadistang babae!" Sabi ko naman habang patuloy pa rin sa paglalakad at hindi sya nililingon.

"Hoy! Galang! Magtigil-tigil ka nga! Hindi magandang biro yan!" Nagmamake faces lang ako ngayon. MAGDUSA KA! Akin pa rin ang Huling halakhak! BWAHAHAHAHAHA!

"Galang! Bumalik ka dito!"

"Isa ... Dalawa ..."

"Tatalon ako dito!" Edi tumalon ka, Malamang Basketball Player ka!

"ARA! HINDI NGA KASI AKO MAGHAHANAP NG IBANG BABAE! ALAM MO NAMANG IKAW LANG, SOBRA NA!" Naramdaman ko ang pagdadabog-dabog nya, Timo 'to! Para talagang baliw -____- But, OMG! Hindi talaga nauubusan ng banat ang dewendeng 'to, I'm so kinikilig na tuloy. Ugh! Epekto ng pagdikit-dikit ko dito kay Thomas, Nagiging Conyo na ako -.-

"VICTONARA GALANG!" Utang na loob! Bakit ba pinanganak 'tong si Thomas Torres na matigas ang bungo? Ugh! Dahil sa nakakabwiset nang pakinggan ang lalakeng 'to na nagsisisigaw sa kabuuan ng hallway napagdesisyunan ko na lang na lingunin sya.

"Oh? Akala ko ba maghahanap ka ng babaeng hindi sadista?!" Taas kilay kong sabi sa kanya, Lumapit naman sya sa akin at hinablot ulit ang bag ko. Gago 'to! Nagiging hobby na talaga ang paghablot ng bag ko.

How to Chase the Love i had before (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon