Chapter 37: Walk away

1.5K 40 15
                                    

~Ara's POV


1 week, Oo 1 week ko ng hindi pinapansin si Thomas simula nung nalaman kong nakipagbugbugan sya kay Mark Tigno. Pati rin naman si Tigs di nakaligtas sa bagsik ko, Nabugbog ko rin nung nakaraang araw. Pero kahit ilang bugbog na ang natanggap nya sa akin, wala pa rin akong matanggap na matinong dahilan kung bakit sila nagsuntukan ni Thomas. Nagkasundo yata ang dalawa na wag sabihin sa akin. Kapansin-pansin rin kasing ayaw banggitin ni Thomas kung bakit nangyari yun. kaya nga umabot ng 1 week ang pag-iwas ko sa dalawa at mas hahaba pa kapag hindi sila nagpasa ng essay sa isang buong yellow paper kung bakit sila nagsuntukan.


"Daks! Huy nakikinig ka?" Bumalik ako sa realidad nung tinapik ako ni Mika sa balikat. Naglalakad kami pauwi ngayon. Sinasabayan nya talaga akong umuwi kasi nga nahihirapan pa akong maglakad with all the saklay and braces, Oha? Starter pack yun ng may ACL! Wag ka!


"May sinasabi ka?" Tanong ko pabalik sa kanya.


Mika: Wow ha? All this time hindi ka pala nakikinig? Alam mo bang sobrang tagal kong pinaghandaan yung sasabihin ko? Hustisya naman sa inaksaya kong laway!" Sabi nya with all the madramang expression pa.


Ako: Sorry naman! Eh kanina nakikinig ako sayo? Puro katangahan naman lumalabas dyan sa bibig mo!

Mika: Oh eto na talaga, Seryoso na. Tinatanong kasi kita kung ...


Ako: Kung ano?


Mika: Kung pwede ko bang bigyan ng chance ulit si Kief-


Ako: HUY JUSMEYO MIKA! ALAM NA ALAM MO SA SARILI MONG HINDI KA PA NAKAPAGMOVE ON DUN KAY JERON TENG TAPOS-*Tinakpan ang bibig*


Mika: Sarap mo talagang sakalin! Di na ako magtataka kung bukas alam na ng buong Lasalle yung mga pinag-usapan natin!


Ako: Masyado mo naman kasi akong ginugulat dyan sa mga tanong mong punyeta ka!


Mika: Ano bang nakakagulat dun? Mabait naman si Kiefer ah. Hindi naman masama na mabigyan rin sya ng chance, diba?


Ako: Pa-fall din yang hampaslupang yan, kaya wag kang tanga!


Mika: Daks naman, pinagtanggol nya ako kay Jeron tsaka dinamayan nya ako nung mga oras na sobrang nasaktan ako. Diba natin pwedeng iconsider yun?


Ako: Ipagtatanggol ka, dadamayan ka, tapos pagnainlove ka, anong susunod? Ipagpapalit ka ulit? Naku di ka pa ba natuto? Halos yata lahat ng basketball player ngayon sugo na ng Diablo! Kung hindi nangloloko, nakikipagsuntukan. Jusme!


Mika: Ano ba daks! Sobrang galit ka lang kay Thomas eh! Makinig ka nga muna, Diba nga noon? Kasabwat sya ni RAD nung sa amin ni Je? Hindi nya naman siguro gagawin yun kung hindi nya ko mahal diba? Kaya feeling ko seryoso naman talaga sya sa akin.


Ako; Ay ewan ko sayo! Kung anu-ano na lang ang pinagbabasehan mo para masabing inlove sayo yung tao, Di ka rin masyadong gandang-ganda sa sarili no?

How to Chase the Love i had before (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon