Chapter 66

192 5 2
                                    

Chapter 66

YSSAH'S POV

Hindi pa ako nakakapag react nahila na niya ako palabas mg cafeteria.

"Wait, Gino. Teka! Saan mo ba ako dadalhin?" pinilit kong hilahin ang kamay ko pero mas malakas siya. Hala! Saan ba yung lugar na iyon?!  "H-hoi Gino! Umayos k-ka.. k-kapag.. kapag dinala mo ako sa kakaibang lugar.."

"Dadalhin nga kita sa kakaibang lugar kaya tara na."

"Ha?! B-bata pa ako! Gino!" baka kung ano ang gawin niya sa akin. Sabi niya sa lugar na pwede ang PDA. WAAAHHH!!! Wag pooooo.

Ramdam kong tumigil siya sa paglalakad, binitawan niya ma din ang kamay ko at nakita ko siyang nagpipigil ng tawa.

"B-bakit ka natatawa ha?! Sa tingin mo ba nakakatawa ang ginagawa mo ha?!" pumusngak na siya ng tawa at kulang na lang gumulong siya kakatawa.

"Hahahaha. Ano ba kasing iniisip mo? Wag ka ngang mag isip ng kung anu-ano.. Wala akong masamang gagawin sayo. Ang tagal na nating magkasama oh." napayuko naman ako sa hiya. Oo nga bakit ko ba siya pagiisipan ng ganun eh halos siya na nga 'tong laging nandiyan kapag malungkot ako.

"S-sorry.."

"Hahahaha. Ikaw talaga. Tara na nga para naman wag ka ng mag emo diyan. Hindi sayo bagay." 

"Eh saan ba tayo pupunta? May pahila hila ka pang nalalaman."

"Basta nga sabi. Ang kulit mo din talaga no?"

Sumunod na lang ako sa kaniya hanggang sa makasakay na kami sa loob ng kotse niya. Kailan pa ako natutong mag cutting? Sa pagkaka alala ko nagawa ko na yun dati pero nagbago na ko. WAAAHHH!! Gino namam kasi eh.

"Maga pa din ang mga mata mo." napayuko ako dahil sa sinabi niya. Kasi naman eh.. Sana di na lang pala ako pumasok. Halos ganun din naman eh, nag cutting ako. "Si Patrick nanaman ba?"

Narinig ko nanaman ang pangalan niya. Okay lang naman dapat diba? Ako lang naman talaga yung O.A kaya ganito ang itsura ko. Nagmukha akong kawawa parang sinabi ko lang na tama talaga yung sinabi at ginawa ng Ryan na 'yon.

Aii nako Yssah! Nasaan na ba napunta ang utak mo ha? Kumikitid kapag nagseselos ka eh! Iniwan ko pa naman ang phone ko sa bahay.

"Okay, I won't ask anything about it again but.. whatever it is, promise me..  for now, forget ALL of it." ano daw? Anong forget all of it?

Magsasalita sana ako kaso nagsalita sita ulit.

"Forget all your problems, lahat ng ikinalulungkot mo kalimutan mo muna kahit ilang oras lang."

Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kaniya.

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon