chapter 43

404 12 2
                                    

chapter 43

"Patrick!!! bilisan mo na!!!" sigaw ko kay Patrick excited na kasi ako pupunta kami ng enchanted kingdom.. ^___^ Thursday ngayon at saktong wala kaming pasok.. "asan yung mga gamit mo?" pabiro kong tanong sakanya ang tagal niya kasi sa kwarto niya.. parang nagiimpake ng gamit eh.. hehehe

"para naman tayong matutulog dun.." -___- hinila ko siya palabas.. wala siyang nagawa hehe. sumakay siya sa kotse at sumakay na din ako.. siya mag da-drive hindi na kasi kami nag papasama sa mga body guards mas gusto ko yung parang normal na tao lang kami.. hehehe ^__^

"bakit ka nakingiti jan ha?" tanong ni Patrick

"eh kasi first date natin to.. simula nung.. "

"simula noong.... sinagot mo ako?" -___-

"tigilan mo nga ako Patrick!" tumingin ako sa labas ng bintana.. ayaw ko muna siyang tingnan. kasi naman pakiramdam ko yung mukha ko pulang pula na dahil nakakahiya at the same time kinikilig? HIHIHIHI ^_^ actually hindi naman talaga ito ang unang date namin simula ng maging kami.. halos araw-araw kasi parang date na namin eh.. medyo iba lang ang trip netong si Patrick kaya pupunta kami sa Enchanted Kingdom.. kung titingnan niyo kami.. ang sungit niya ngayon.. ewan ko kung bakit..

"ui Patrick.. galit ka ba ha?" dedma lang.. "ui.." kinalabit ko siya pero dedma lang talaga.. kasi naman Yssah! ano ba ginawa mo?

FLASHBACK

"good morning Yssah" ^____^ oh. mukhang ang lapad ng ngiti ni Patrick.. nandito kami sa kusina kabababa ko lang galing sa kwarto.. naka apron si Patrick at nagluto siya ng almusalan namin.. ang cute talaga ng apron na yun :))

"anong meron?" tanong ko sakanya

"wala naman ^__^"

wala? pero super lapad ng ngiti niya.. ibinigay niya sa akin ang plato at napangiti ako sa nakasulat sa plato ko.. 'i <3 u' yan ang nakalagay sa plato ko gamit lang ang ketchup.. kukuha na sana ako ng kanin pero hindi niya ako pinaalis sa upuan ko.. siya na lang daw kukuha..

"saan ka pupunta?"

"kukuha lang ako ng baso.."

"ako na.."

"ako na lang.. pwede ba Patrick maupo ka na lang.. kanina ka pa tayo ng tayo jan dahil may gusto akong kunin pero di mo aman ako pinapayagang tumayo dito.. baka mapagod ako"

niyakap ako bigla ni Patrick mula sa likod..

"okay lang na mapagod ako.. wag lang ikaw.." ^__^

"ang sweet mo naman Patrick.. ano bang meron?" nagtataka na kasi ako.. ewan ko kung bakit pero pakiramdam ko may dapat akong maalala sa araw na to..

"hulaan mo kung anong meron ngayon.." ^__^

Ano nga ba? hindi niya naman birthday at mas lalong hindi ko birthday.. birthday nila ate Pamina? pero syempre mag sasabi yun.. pero pakiramdam ko talaga may importanteng mahalaga akong nakakalimutan.. ipinilig ko ang ulo ko.. baka sakaling maalala ko.. pero wala talaga.

"sirit na.. hindi ko alam kung anong meron sa araw na to.."

"hindi mo ba talaga alam kung anong meron ngayon?"

"magtatanong ba ko kung alam ko? sabihin mo na kasi.." hinila hila ko yung manggas ng tshirt niya pero inalis niya ang kamay ko at nagiba ang mood niya.. "ui? Patrick naman eh.. sabihin mo na lang kasi kung anong meron.. birthday mo ba? alam ko hindi eh.. at mas lalong hindi ko naman birthday.. so ano nga ba ang meron sa araw na to? wala talaga akong maalala eh.." hinila hila ko ulit yung tshirt niya.. "Patrick naman.. ano ba kasinv meron??"

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon