Chapter 88

108 5 0
                                    

Fourth update for the day :)) simula po sa chapter 85 ang update ko ha baka nalampasan niyo :))

---

Chapter 88

PAMINA’S POV

“Nasa’yo pa ba ang resulta ng pina imbestigahan mong pictures dati?” tanong sa akin ni Josh. Nandito kami sa bahay, wala sila mommy at daddy dahil busy sa trabaho.

Inabot ko sa kaniya ang isang papel. Naalala niyo ba three years ago ng nag hire ako ng isang investigator para lang alamin kung sino ang kumuha ng mga litrato at videos noon kina Yssah at Patrick? Ipinahinto ko na ‘to noon pero dahil sa nalaman ko sa loob ng opisina ni Patrick ay hindi na ako mapakali.

Alam niyang hindi niya tunay na anak si Rheina at panigurado alam yun ni Rhian umpisa pa lang, sabi na nga ba hindi magagawa ni Patrick na lokohin si Yssah. Tsk, pero bakit kailangang ipaako ni Rhian kay Patrick ang bata. Dahil sa pagmamahal? Psh.

“Hon, sino ‘to?” ipinakita ni Josh sa akin ang isang picture. Si Yssah at yung isang lalaki na ayon sa investigator ay si Greg Lee, dating kaibigan ni Patrick noong nasa high school pa lang siya.

“Ah, si Greg Lee yung dating classmate ni Patrick sa high school. Bakit?”

“Parang pamilyar eh. Parang nakita ko na siya dati.”

“Hmm? Hindi pa naman natin siya nakikta ng personal pero nandun siya sa class picture nila Patrick.”

“Hindi yun. Pamilyar talaga siya..”

Nakita ko namang nag-isip ng nag-isip si hon kung saan niya nakita si Greg. Konti lang naman ang kaibigan ni Patrick noong high school kaya naman kilala ko sila pero si Greg ay hindi naipakilala sa akin ng personal noon.

“Naalala ko na! Naalala mo ba—“

“Teka nga, ikaw ang naka alala tapos ipapasa mo sa akin.”

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon