Chapter 96

91 7 1
                                    

Third chapter for today :) start sa 94 ah baka malampasan niyo :)

(3/4)

NOTE: READ AT YOUR OWN RISK

---

Chapter 96

“What the hell are you all talking about?! Anong wala pa din?!”

Galit na sinipa ni Patrick ang isang monoblock chair. Tumilapon iyon at muntik pang tamaan si Therese kung hindi lang ito kaagad nakaiwas. Itinulak niya ang mesa, tumagilid ito kaya naman natpaon ang mga nasa ibabaw. Kanina pa nila hinahanap si Yssah pero wala silang makita, nawawala din si Gino. Ilang bese na nilang tinawagan ang mga cellphones nito pero nakuha lang ang cellphones nila na naiwan sa kwarto ni Jessa.

“Hinanap nap o namin sila sa buong Bellagio pero wala po talaga.” Nakayukong sabi ng isang guard.

Hinalughog na nila ang buong Bellagio pero hindi pa din nila nakikita sina Yssah at Gino. Inabala na din nila ang mga empleyado ng Bellagio para tumulong na din sa paghahanap kaso wala pa ding magandang balita. Wala din naman silang makuha kina Lauren dahil wala din silang matandaan bigla na lang daw silang nawalan ng malay.

“Baka nagtanan na ‘yong dalawa.” Jayden joked just to lighten up the atmosphere na puno na ng kaba, takot at galit.

Napatili ang iba ng biglang suntukin ni Patrick si Jayden. Sumubsob siya sa semento. Umawat na sa kanila sina Francis at Greg dahil alam nilang lalala lang ang sitwasyon kung hindi kakalma si Patrick. Umiiyak na sa isang tabi sina Lauren at pinapatahan sila nina Pamina at Therese. They felt guilty, sila ang kasama ni Yssah pero wala silang nagawa.

“Patrick, hindi si Jayden ang kaaway dito.” Sabi ni francis.

Nagtawag na ng pulis si Ian para mas matulungan sila dahil ayon kina Lauren ay may nagtakip daw ng panyo sa bibig at ilong nila kaya bigla na lang silang nawalan ng malay. Posibleng may kumuha nga kina Yssah at Gino. Si Nick naman ay nasa security office ng Bellagio resort para i-check ang lahat ng footage ng CCTV kanina.

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon