Chapter 63

155 5 3
                                    

Dedicated po sayo :) Noong binalikan ko po kasi ang mga chapters ikaw po ang madalas na nag co-comment :) You deserved another dedication kaya ito na po :)) thank you :) 

---

Chapter 63

THIRD PERSON'S POV

Makalipas ang dalawang araw ay balik busy-busyhan nanaman si Yssah. Pinipilit niyang ituon sa ibang bagay ang atensyon niya dahil busy nanaman ulit si Patrick.

"Yssah, ano sasama ka ba?" tanong ni Gino. Hindi niya alam ang isasagot dahil hindi siya nakikinig sa binata.

Iniisip niya kasi si Patrick na kasalukuyang nasa Tabi Island. Pinauwi kasi si Patrick ng daddy niya, dahil nagkaroon ng problema sa business nila. Hindi naman iyon kakayanin ni Tito Ian dahil nasa ibang bansa ang ginoo para asikasuhin pa ang business branch nila.

Nagtaka tuloy si Yssah dahil dati naman ay hindi umaalis ng bansa ang papa ni Patrick. Pero ang sabi ni ate Pamina ay lumalawak na daw kasi lalo ang business nila kaya kailangan ng mag out of the country.

"Sa orphanage. Pupunta kasi ako mamaya, baka gusto mong sumama." alok ni Gino. Matagal na din kasi ng huling isama niya si Yssah sa orphanage at ng huli niyang punta sa orphanage ay hinahanao ng mga bata ang dalaga.

"Namimiss ko na nga ang mga bata eh. Sasama ako wala din naman akong kasama sa bahay eh." ngumiti si Yssah pero hindi siya masaya. Hindi umabot hanggang mata ang ngiti niya at napansin iyon ni Gino. Yumuko si Yssah at nakatingin sa cellphone na kanina pa niya hawak at tinitingnan kung may text ba o tawag si Patrick.

"Si mama.." napaangat ng ulo ang dalaga para tumingin kay Gino dahil sa narinig niya. "..dadating siya mamaya sa bahay. After natin sa orphanage pwede ka bang sa bahay muna? For dinner.. kung okay lang." He wants to make her happy. Gusto niyang puro ngiti lang ang nakikita niya kay Yssah at hindi ang fake smile nito.

Ngumiti si Yssah, ngiting umabot sa mata. She misses her mom so much at gusto niyang makita ito kahit pa hindi siya naaalala ng ginang..

---

"WAAAAAHHHH!!! ATE YTTAH!" natawa naman si Yssah habang sinasalubong siya ng mga bata. Niyakap siya ng mga ito pero dahil mababa ang karamihan sa kanila ay sa binti lang niya umabot ang mga yakap ng mga bata.

"Whoa~ hahaha" napangiti si Gino habang pinagmamasdan ang tumatawang si Yssah habang yakap yakap ng mga bata. Ang ganiyang view ang pinaka gusto niyang makita.

May lumabas na isang madre, si sisiter Lily.

"Ijo, ija, napadalaw kayo."

"Magandang hapon po sister Lily." bati agad ni Gino at nagmano bumati din si Yssah pero hindi siya makapag mano kay sister Lily dahil hindi siya binibitawan ng mga bata at may nagpapakarga pa sa kaniya.

"Kaawaan ka ng Diyos." nakangiting sabi ni sister lily.

"Aii siya nga po pala sister. Ito po oh." kinuha niya ang ilang supot ng mga pinamili nilang groceries kanina para supplies ng mga bata. "Namili na po kami baka po kasi kulang na ang stocks eh."

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon