Chapter 52

255 8 1
                                    

Chapter 52

    YSSAH'S POV

"Yssah!"  isang mainit na yakap ang natanggap ko pag pasok ko sa loob ng bahay. Sige Patrick yakapin mo lang ako akala mo yayakapin kita? hindi no! nagtatampo pa din ako sayo dahil hindi mo man lang ako naalala buong maghapon! walang text at tawag! nag bago ka na talaga! nakakainis ka! yan ang gusto kong sabihin pero hindi ko naman masabi ng malakas.. nasaan ang dila ko para magsalita ako? nakain ko na ba?!  "akala ko iniwan mo na ko"

tumingin ako sa mukha niya pero agad ko din namang binaling sa iba ang tingin ko.. nakita kong malungkot talaga mga mata niya at halatang nag alala ng sobra.. aii naku Yssah wag ka ngang padadala sa itsura ni Patrick! hindi ka niya tinext or tinawgan mag hapon.. hindi ka niya hinanap kaya kailangan mo magtampo!

"hindi ko yun gagawin" sabi ko ng hindi tumitingin sakanya inalis ko din ang pag kakayakap niya sakin  "mag papahinga na ako" naglakad na ko papunta sa hagdan.. hoi Patrick hindi mo ba ako pipigilan? hindi ka ba magsasalita?!

humakbang na ko sa hagdan..

isa..

dalawa..

tatlo..

wala ka bang sasabihin? pigilan mo ako Patrick! o eto na malapit na ko sa pinto ng kwarto ko.. hoi! hindi ka ba gagalaw jan?! hanggang sa nakapasok na ko sa kwarto ko.. naghintay ako ng isang minuto.. dalawa.. tatlong minuto.. hanggang limang minuto.. wala akong katok na narinig.. tsk. Yssah pagod lang si Patrick nakita mo naman yung itsura niya kanina diba? malungkot siya yun ay dahil akala niya iniwan mo na siya.. paranoid ka nga lang talaga Yssah.. tama na ang pag iisip mababaliw ka lang kakaisip.. nahiga ako sa kama ng biglang may kumatok sa pinto.. excited akong tumayo.. pero nahiga din agad at umaktong nag tutulog tulugan..

Aii naku Patrick! kailangan kong mainis sayo.. dapat mainis ako sayo! sumusobra ka na eh.. pero tinatraydor ako ng puso ko kasi di ko kayang mainis sayo.. wag kang lalapit! wag kang lalapit! naramdaman kong may umupo sa tabi ng kama ko at naramdaman ko na lang ang mga kamay niya na nakayakap sakin.

"Yssah"

hindi ako umimik.. ramdam ko ang lungkot sa boses niya.. wag kang mag paawa Patrick dahil panigurado kakausapin kita.. tumigil ka na! konting push pa.. di ko na kakayanin ang pag papanggap na to..

"Yssah.. kausapin mo naman ako oh"

bahala ka sa buhay mo..

"mrs. Saavedra.."

tumigil ka nga!

"mrs. Saavedra.."

"ano ba yun?"  hindi ko talaga siya matiis >__<

"galit ka ba?"

"pagod lang ako.. galing kami ni Gino sa orphanage kanina"

"s-si Gino?"

"uhm. isinama niya ko ulit para makita ko daw yung mga bata.. nakakamiss nga yung mga bata eh"

"good to know that your day is fine"

"ikaw? kumusta ang araw mo?"

"not so good.. and kailangan ko nga palang pumunta sa Baguio pero next month pa naman yun"

"Baguio?.. mga 4-5 hours ang layo nun diba?"

"alam ko.. kaya nga sinabi kong hindi ako sasama"

"importante ba yun sa school niyo?"

hindi siya umimik

"Patrick kung importante naman pala bakit di ka sasama? sumama ka dun.. panigurado ka-kailanganin ka nila"

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon