Chapter 91

108 4 0
                                    

DEAR READERS:

Sorry po kung masyadong mabigat at masakit na po ang nangyayari sa kanila. Kahit ako nahihirapan pero kailangan nilang pagdaanan 'yun. Malapit ng maging okay ang lahat. Konting tiis na lang sa sakit.

P.S. : Wag niyo pong lampasan ang mga chapters hahaha :D Dahil sa ibang mga chapters kahit masasakit 'yan may mga realization naman sila. Dapat pala naglalagay ako ng READ AT YOUR OWN RISK :)

P.P.S : votes and COMMENTS yes po.. sa comments ko mas aalamin kung dapat ko bang gawing 2 parts ang epilogue o hindi.

 Baka maging okay ang chapter na 'to sa inyo.. Kung bakit? alamin :))

---

Chapter 91

THIRD PERSON’S POV

“Pats? Pats!” lumapit sa kaniya si Rhian.

Bakas sa mukha ni Rhian ang saya dahil nakita na niya ulit si Patrick pero kabaliktaran ang naramdaman ni Patrick. Nang niyakap siya ni Rhian ay hinayaan niya lang ito pero hindi niya ibinalik ang yakap ng dalaga.

“Saan ka ba galing, ha? Nag alala kami ng anak mo sayo. Hindi ka namin ma-contact, kahit sila mommy Aya at daddy Ian hindi din alam kung nasaan ka. Bakit ba hindi mo man lang—“

“Pagod ako. Gusto ko munang magpahinga.” Walang emosyon na sabi ni Patrick.

“A-ah, sige. Sabihin mo lang sa akin kung gusto mong kumain magluluto ako, kahit ano.” Nakangiting sabi ni Rhian pero hindi na siya pinansin ni Patrick at umakyat na lang si Patrick sa kwarto ni Rheina para tingnan kung kumusta ang bata.

Tulog si Rheina pero halatang iyak ito ng iyak dahil namamaga ang mga mata at sumisinghot singhot pa.

“Kakatulog lang niya. Wala kasi siyang tigil sa pag-iyak dahil hinahanap ka niya.” Sabi ni Rhian. Nakasunod pala ito kay Patrick.

Naupo si Patrick sa tabi ng kama ni Rheina at hinawakan sa ulo ang bata.

“Saan ka ba talaga galing? Wala ka man lang sinabihan.” Hindi pa din nagsasalita si Patrick. Hinalikan ni Patrick ang noo ni Rheina at tsaka tumayo na. Lumabas si Patrick ng kwarto ni Rheina at dumiretso naman sa kwarto niya pero sumunod pa din si Rhian.

“..Pats, ano ba, hindi mo ba talaga ako papansinin?”

“What do you want me to say?” walang emosyong tanong ni Patrick.

“EVERYTHING! Gusto kong malaman kung anong nangyari sayo, kung saan ka pumunta at nawala ka ng mahigit isang linggo, kung kumusta ka! Pats wala kaming balita sayo tapos bigla bigla ka na lang susulpot dito ng parang walang nangyari?!” tumataas na ang boses ni Rhian sa inis lalo na ng tumalikod sa kaniya si Patrick at mas inuna pa nitong maghanap ng damit na pampalit kaysa kausapin siya.

“ANO BA!” hinila ni Rhian ang braso ni Patrick para mapaharap sa kaniya si Patrick. “Wala ka ba talagang pakialam ha? Okay lang sayo na mag-alala kami? Okay lang sayo na ako ang pilit na umiintindi sayo? Pats, hindi ko na alam ang gagawin ko!”

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon