Chapter69: Closure Part2

299 18 31
                                    

Omg sorry kung natagalan. I was so occupied. Hahahaha. Ang daming nangyari sa buhay ko. Alam kong wala kayong pake pero hays. Sige na nga, ito na. Isa lang ang nais kong sabihin. Tiwala lang guys :) - iAlwaysWill

__________________

“Brad, pwede ko ba syang isayaw?”

Napatingin kami ni chase parehas sa lalaking nasa harapan namin. My heart was skipping a beat, para bang tumigil to nung bigla syang dumating sa harapan namin. It was like being back in the days na nandyan si mery… na hindi akin si jonel. Na hindi pwedeng maging kami kasi may mery sya… kasi merong may ari sa kanya.

Pero ngayon iba na.

May Bernard ako,

Meron nang may ari sakin.

Hindi na kami pwede.

I was looking at jonel habang kausap niya si chase but he was not looking at chase, he was looking at me as well. He stood there, asking the man who owns me to just be with me for three minutes, habang ako, nakaupo… walang magawa dahil mula nung pumayag ako na pakasalan ako ni chase, binigay ko sa kanya ang karapatan na magdesisyon para sakin… binigay ko sa kanya ang karapatan na angkinin ako.

“Sorry pare, ayoko.”

Napatingin ako kay chase nung marinig kong sabihin niya yun. Di ko alam kung bakit pero biglang namuo yung luha ko. I wanted to cry but I can’t. Anong sasabihin ko kay chase pag nakita niya kong umiiyak? Kasi hindi niya ko pinayagang makasama yung mahal ko? Ugh, hindi pwede yan Ericka.

“Ayaw mo?”

“Oo. Pagod na si Ericka. Gusto niya lang umupo. Di ba baby?”

Till Death Do us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon