Chapter 9

64.7K 1.9K 324
                                    

FINA

Ilang beses pinaulit-ulit ni Fina sa utak niya ang huling sinabi ni Jett, pero hanggang ngayon, hindi pa rin tuluyang nanunuot sa sistema niya.

Spend the night? With Jett? Come on!

Hindi siya boba para hindi maisip kung anong pwedeng mangyari sa kanilang dalawa kung sakaling pumayag siya sa imbitasyon nito. Sobra siyang nabigla! She didn't expect na mag-aalok ito ng gano'n.

Nagtaka na lang naman siya nang biglang tumawa 'tong si Jett. Do'n lang siya nabalik sa sarili.

"Nakita mo sana kung anong itsura mo sa sinabi ko," he said. "You're too cute."

Napanguso na lang siya. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib dahil nagbibiro lang pala ito. "Nakakainis ka."

"Natakot ka sa 'kin? Alam ko namang 'di ka papayag, eh. Kilala ko mga tipo mo."

"Talagang hindi ako papayag, 'no." Napairap siya.

Tumawa lang naman uli ito nang mahina tapos inayos ang buhok niya. "Nagbaka sakali lang ako na papayag ka. Seryoso, gusto sana kitang makasama nang mas matagal. Baka kasi isang araw biglang matapos na lang lahat ng 'to."

Nagsalubong mga kilay niya. "Hindi kita na-gets."

"Wala. Basta, 'wag niyo na uli akong pagse-selosin ni Pierre. Let's go. Gabi na masyado."

Hindi man lang talaga siya nito pinag-react ulit. Hinila na agad nito ang kamay niya.

They're about to leave, pero napahinto rin agad dahil biglang bumukas ang ilang mga poste ng ilaw sa field. Diyos ko, eto na nga bang sinasabi niya, eh! Balik, balik! May makakakita sa kanila!

Ang bilis ng tibok ng puso niya lalo na nang marinig niyang bumukas ang pinto ng gym at lumabas na ang mga players mula sa loob! Pakiramdam niya bigla siyang pinagpawisan kahit na malamig naman ang panahon.

Si Jett naman, inalalayan agad siya paatras, halatang nataranta rin. Dinala siya nito sa pinaka-sulok na hindi natatamaan ng liwanag.

"Jett, k-kinakabahan ako. Baka makita tayo."

"Sshh..." Inipit siya nito nang maigi sa pader at tinakpan ang bibig niya. "'Wag kang maingay. 'Di nila tayo makikita."

Nang maramdaman nilang medyo nakalayo na ang mga players at namatay na rin ang ibang mga ilaw sa poste, tsaka lang tinanggal ni Jett ang pagkakatakip sa bibig niya.

"We can go now. Wala na sila."

Diyos ko nakahinga na siya nang maluwag. Akala niya talaga may makakakita sa kanila. Nakakahiya! Lalo na't alam niyang kasama sa mga lumabas na players si Pierre. 'Di niya maisip ang pwedeng mangyari kung sakaling nahuli siya nito na kasama si Jett sa gilid ng gym.

Hinawakan naman na uli siya ni Jett ngayon at inalalayan para tumuloy sa pag-alis.

**

Hindi na nagpa-load si Fina para i-text si Ate Martha. Tutal, ihahatid na rin naman siya ni Jett pauwi.
Konting oras na lang at nasa bahay na rin siya.

Sinilip niya si Jett ngayon habang nagda-drive ito. Pansin niya lang kasi na parang kanina pa ito tahimik. Simula no'ng pagkasakay nila sa kotse, hindi na ito nagsalita. Parang may malalim itong iniisip.

"Gutom ka na ba?" Nagtanong na siya. "Ba't ang tahimik mo?"

"Wala. May iniisip lang."

"Ano 'yon?"

Saglit itong lumingon sa kanya, tapos huminga nang malalim. "Fina. 'Wag kang magagalit sa 'kin, okay?"

"Ha? Ba't naman ako magagalit sa 'yo. May nagawa ka ba?"

Mending Fina [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon