Finding Happiness - Part 4

4.1K 36 2
                                    

St. Luke's.

Halos lumipad si Fred sa sobrang pagmamadali na mahanap ang kwarto ni Kath.

Room 302.

Pagbukas ng pinto si Sarah ang una naming nakita. Ngumiti ito kay Fred tapos sakin.. irap? Sungit talaga.

'Im sorry hon. Naglalaro kasi ako nung tumawag ka. Sorry. How are you feeling? Malapit na ba lumabas si junior? Ano masakit sayo? Thank Sa ah. I owe you!' Sabi nito habang lumalapit sa asawa. Halatang kinakabahan si Fred. Sino ba naman ang di kakabahan sa ganito. This is another life they're talking about.

'Ok lang Fred ano ka ba. Basta importante andito tayong lahat. Anyway, labas lang ako sandali. Hindi pa ko nakain eh. Hehe!' Cute naman pag naka-smile.

'Sama na ko.' Nabigla din ako sa sinabi ko.

'Ha? Bakit ka sasama?' Masungit na tanong nya.

'Eh kakain ka diba? Sama na ko. Di pa ko nakain eh. Tara.' At binuksan ko ang pinto para hindi na makatanggi.

'Hay nako bahala ka.' Bakit kaya ang sungit nya. Tapos parang sakin lang. Wala naman akong ginagawang masama.

Kumain kami ng hindi nya ko kinakausap. Minsan pag napapatitig ako sa kanya at napapansin nya, iniirapan nya ko.

'Bat ang sungit mo?' Tanong ko sa kanya habang kumakain. Nakaharap sa kanya.

'Ano yon?'

'Hindi ka din pala masungit, bingi ka rin pala.'

'Ewan ko sayo. Kumain ka na nga, dami mong napapansin.'

Aasarin ko pa sana sya ng tumunog ang cell phone ko at nagtext si Fred na nasakit na daw talaga ang tyan ni Kath kaya napagkasunduan namin ni Sarah na bumalik na.

Healthy baby boy named Cobbe ang tinitignan namin sa nursery.

'Congrats bro! Look at that! May coach ka na agad, players na lang! Haha!' Biro ko sa kanya. Masyado kasing nag-eemote eh.

'Loko loko. Grabe ganito pala maging magulang. Overwhelming yung feeling.' Teary-eyed nyang sinabi.

'Seriously bro, andito lang ako. Para sa inyo ni Cobbe o para sa inyo ni Kath.'

'Kaya nga thankful kami ni Kath sa inyo ni Sarah. Kayo na lang ang family namin ni Kath. Thank you.'

'Nako nagdramahan na ang dalawa.' Sabat ni Sarah na mukang kanina pa ata nakikinig. 'Cute cute ni Cobbe oh! Parang kamuka sya mostly ni Kath noh?'

'Hindi ah. Kamuka kaya si Fred. Tgnan mo yung facial features maigi.' Syempre hindi ko papatalo best friend ko.

'Hindi kaya. Halatang halata naman na Kath oh.'

Hindi ata magpapatalo ito.

'O sige kamuka mo na. Kulit mo eh.'

At nagtawanan kaming tatlo habang sinisipat ang pinakabagong myembro ng pamilya.

++++++++++++++++

@arianeffinbass on twitter!

sorry po kung maiikli lang yung chapter. (:

Finding Happiness - An AshRald FanFictionWhere stories live. Discover now