Finding Happiness - Part 3

4.2K 32 1
                                    

Natapos ang kasal ni Fred at Kath.

Nalaman ko na pastry chef pala si Sarah because she made a delicious 4-layered cake and yummy cupcakes nung wedding. I like women who bakes. Weakness ko ang cupcakes eh. Ayan ka na naman Gerald. Baliw ka na ata.

Dumaan ang ilang buwan, naibalita sakin ni Fred na buntis si Kath. The joy in Fred's face.. priceless. Months have passed and nakikita ko talaga kung gaano ka-excited si Fred. Magiging daddy na sya eh. Sino ba naman ang hindi ma-eexcite maging ama.

Ikaw? Oo nga ako.

One day, we were doing our practice game when suddenly Fred's phone rang. Since we were in the middle of the game, he can't really answered it and ignore. 

Time out. Wala ng ring.

Then my phone rings.

'Hello?' 

'Hello? Kasama mo ba si Fred?' Familiar voice. Beautiful voice. Not Kath's.

'Sino to?'

'Sarah po ito, Mr. Anderson! Ano kasama mo ba si Fred?' Inis na sagot nya.

Ah. Familiar voice. Beautiful voice.

'Oo kasama ko, ikaw ba yung tumawag sa kanya? Naglala-' she cut me off.

'Ayoko makinig sa explanation mo. Pakausap kay Fred. Now na!' Aba. Demanding.

'O eto na si Fred kahit cell phone ko ang tinawagan mo.' at binigay ko kay Fred and phone ko. Sungit talaga neto. In almost 8 years, never pa ata ako nginitian nito e. 

'Hello? Talaga? Papunta na ko dyan! Hintay nyo ko!' Halos marinig ng buong court ang sigaw ni Fred.

'Oh bro anong nangyari?' nag-aalalang tanong ko.

'Si Kath pare.' Halos nanginginig na sagot ni Fred.

'May masama bang nangyari kay Kath?'

'Manganganak na si Kath!' Halos madapa dapa na sabi nya habang kinukuha nya ang mga gamit nya sa locker at sa bench. 

'Talaga? Congrats bro! Daddy Fred!' Kantyaw ko. Daddy na ang best friend ko. Yehey!

'Thanks bro. Halika! Sumama ka na sa ospital!' 

++++++++++++++++++++++++++++++++++

@arianeffinbass on twitter!

 sorry po wala pa silang interaction talaga. gusto ko kase i-emphasize yung background nila and relationship nila with their best friends. (:

Finding Happiness - An AshRald FanFictionWhere stories live. Discover now