Chapter 58 Revelation Part 2

37K 509 46
                                    

sorry ngayon lang nakapag UD!!
please guys intindihin nyo na lang to dahil wala na talaga akong time mag edit..

Chapter 58

Chase POV

Nakuha ko na ang resulta ng DNA, at kagaya ng inaasahan ko lolo nga ni thea si Mr. Jung.

Kahit gusto ko ng sabihin kay thea ang natuklasan ko nakiusap si Mr. Jung na kailangan nya pa ng konting oras at gusto nyang sya ang magsabi nito kay thea.

Kasalanan nya daw kung bakit nahiwalay sakanila si thea at hindi nya sigurado kung kaya nya ba kung hindi sya tanggapin ni thea which I doubted dahil hindi ganon si thea.

Binigyan ko siya ng isang linggo para sabihin lahat ng to kay thea. Hindi na to dapat patagalin pa dahil sooner malalaman din ni thea ang sikreto namin at hindi maganda kung sa ibang paraan nya pa to malalaman.

Inaayos na din namin ang paglipat ng ari arian ni Mr. Jung kay thea pati yung tulong na sinasabi nya nung magpunta sya para sabihin na apo nya si thea.

To be honest nagulat talaga ko sa mga alam nya. Halos yung iba nga dun eh hindi ko alam pero sya?

It goes with the experience ika nga.

Ilang buwan lang syang nagresesarch marami na syang alam. Hindi ko nga alam kung pano nya ginawa ang mga yun pero nagpapasalamat na din ako dahil kahit papano may alam na ako tungkol Kay A.

Nagtext na nga pala uli si A sakin kahapon magkikita daw kami this week. kung saan at kung kailan yun ang hinihintay ko. Magaling syang gumalaw hindi nya agad sinabi ang mga detalye, sinabi nya lang na dapat handa ako kahit kelan. Siguro iniisip nya na baka macorner sya kapag nagbigay sya ng impormasyon pero ang hindi nya alam maling mali na binigyan nya ako ng hint. Salamat na lang dahil kakampi ko na si Mr. Jung ngayon. Masyadong tuso ang utak ng lolo ni thea at mukhang ayaw nitong magpatalo kaya may plano na agad ito..

Kung hindi magtagumpay ang una naming plano mapupunta kami sa pangalawa. Yung mga susunod na plano ay hindi pa namin napaguusapan dahil inaayos pa ng lolo ni thea pero kahit ano daw ang mangyari  hindi sya papayag na hindi namin mahuli si A. Sa dami daw ng kasalanan nito hindi sya papayag na malayang makagala pa ito sa labas lalo na ngayong nagsisimula na kaming gumawa ng pamilya ni thea.

--

My Bed Warmer WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon