Chapter 59 The Game Plan

33.2K 378 33
                                    

Sorry guys.. tatlong beses na corrupt yung UD ko kaya ngayon lang ako nakapag Update.. 

Sunday lang po ang restday ko kaya tinatry kong magUD sa phone habang nasa byahe kahit paunti unti kaya lang tatlong beses nacorrupt yung mga ginagawa ko.. huhu..

anyways medyo lame to at uneditted, so alam na. kanya kanyang intindi na lang. bwahahaha..

thanks for reading guys..

--

Chapter 59

Katatapos lang ng check-up ko. Kaya super happy ko ngayon, Hindi talaga ako makaget over sa itsura ng baby namin ni Chase na sobrang liit pa. Unlike nung una naming ultrasound na parang buto lang siya ngayon eh kita na namin yung hugis nya.  ^__^

Super proud mommy talaga ako lalo na si chase na manghang mangha kanina habang tinitignan ang baby namin sa screen nung inu-ultrasound ako ni doc.  tuwang tuwa sya dahil kamukha nya daw si baby na kung saan nya nalaman  eh hindi ko alam.

Pareho daw sila ng mata ni baby, pati labi at hugis ng mukha.

Natatawa na nga lang kami ni doc sa kanya na turo ng turo sa screen habang sinasabing sa kanya daw nakuha ni baby ang features na yun.

^__^

Sabi ni doc so far so good naman daw ang lagay ni baby pero syempre kailangan pa din ng doble ingat dahil mahaba haba pa ang hihintayin namin bago ko mailabas si baby. Ganun naman talaga ang ginagawa ko pati ni chase. Lahat ng vitamins ko iniinom ko on time. Naghehealthy diet din ako para kay baby, hindi basta kain na lang ng kain ng kung ano ano. Bantay sarado ako ni chase lalo na kapag sumasama ang pakiramdam.

Pansin ko nga hindi nya na ko masyadong pinagtatrabaho eh (>3<)

Napaka supportive niya samin ni baby, minsan nga lang sumusobra na talaga. Wala naman akong magawa lalo na kapag lumalabas na yung possessive side nya. Nihindi ko nga magawang makipagtalo, tingin pa lang kasi alam kong wala na akong laban.

---

Nasa sasakyan na nga pala kami pauwi, may driver kaming sinama ngayon dahil ayaw daw magdrive ni chase para yung buong atensyon nya eh nasa amin ni baby lang. Pero mukhang sa akin Lang naman nakatuon ang mokong. Minamanyak na naman ako eh.. hehehe..

(sorry for the term sabi ni author.. ^______^)

Kanina pa siya naglalambing pero dedma lang ako. Trip kasi namin ni baby na inisin sya eh. tehehe.. actually pansin ko lagi ko syang gustong inisin.. hihi..

pano ba naman alam nya namang may check-up kami kung ano ano nanamang sinasuggest gawin kanina.. kesyo saglit lang daw yun at pwede nya naman iparescedule kahit isang oras lang yung checkup maaga kasi akong nakatulog kagabi kaya ayun nagdadrama nanaman si daddy.. hehehe..

Tapos ngayon naman parang batang sumisiksik sa leeg ko at kung saan saan na naman napupunta ang kamay nya. Tsk.. tsk..susme may kasama kaya kami atsaka malaki na ang tyan ko nuh..

(wew.. pakipot lang teh) - author

Hihi.. ^___^ naman author…

“baby ko”

“…”

“baby ang bango bango mo. Amoyin mo nga ako kung mabango din ako” sabi nya pero dedma pa din ako. Hihi..

My Bed Warmer WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon