Chapter 50 See you soon...

53.6K 473 40
                                    

i know right!! sabi ko bago magsunday magUUD ako. Yung mga nabubwisit dahil nagsabi ako ng araw ng UD pero di naman natupad at naiinis dahil paasa ako!! ang masasabi ko lang..

SORRY PO!! 

dedicated kay------------>Marjorie0510

hindi dahil sa hiningi nya to sakin kundi dahil super sweet nya!!!

i love you Sweetheart.. sorry nalate...

-------

Chapter 50

Althea's POV

kausap ngayon ni chase si Jiro at molly para ibalita ang pagbubuntis ko. Pag-alis ni doc ilang minuto lang eh tinawagan nya na si lolo Bernard para sabihing buntis na ko.

Habang nagkukuwento sya kay lolo Bernard panay ang yakap at halik nya sakin. Panay din ang haplos nya sa tiyan ko kahit wala pa namang umbok dun. Natutuwa nga ako kasi pag ginagawa nya yun kinikilig talaga ako tsaka narerelax ako.

Si lolo Bernard tuwang tuwa dun sa balita namin. Balak pa nga kaming puntahan dito sa japan para makicelebrate buti na lang at pumayag sya na wag nang ituloy ang pagpunta dito dahil marami din naman syang inaasikaso sa US. Gusto din kasi ni chase na masolo muna ako dahil pag uwi namin marami ng trabaho. Wala akong balak na tumigil sa trabaho unless sabihin sakin ng doctor o kung malapit na talaga akong manganak. Sabi naman ni doc maganda naman ang pagbubuntis ko at wala kaming dapat ipagaalala kaya lang hindi ko alam kung ano ang magiging desisyon ni chase minsan kasi may pagka overprotective sya di ba.

"oo naman ako pa matinik ang angkan natin kaya kapag nabuntis na din si molly hindi na ko magtataka" ngingisi ngising sabi ni chase na kumindat pa sakin.

"hahaha.. tama tama.. sa tingin mo hon patingin na tayo sa doctor?"sabi ni jiro kay molly kaya napatawa ako. lagot nanaman yan.

Nakaloud speaker kami kaya naririnig ko yung sinasabi nila jiro.

Nakarinig kami ng malakas na hampas at pag aray galing kay Jiro. Mukhang minamaltrato na sya ni molly ngayon. Hehehe...

"tumigil ka nga kung ano ano pinagsasabi mo baka maniwala sila"molly

"kahit wala naman akong sabihin ganun din naman ang iniisip nila.. di ba??"jiro

"umh"ako habang tumatango tango pa at ngumingisi.

Lagi naming inaasar si molly ang cute nya kasi lalo na pagbinubugbog nya si jiro, si jiro naman walang magawa kundi tanggapin yung pangmamaltrato ni molly pero kahit ganyan sila pag nakita mo sila kikiligin ka talaga.

"pinagkakaisahan nyo nanaman ako. Grabe hindi na tayo friends thea pinagkalulo mo ko si magpinsan na to"sabi ni molly

Tumawa lang ako lagi naman kasi nya yang sinasabi pag nagsisimula na syang mainis.

"ano ka ba hon kakampi mo ko lagi no" sabi ni jiro na mukhang sinusuyo si molly.

"ewan"pakipot na sabi ni molly. Narinig kong parang nilalambing lambing sya ni jiro naiimage ko tuloy sila. Pwe!! (^_^v) joke!!!

"kaya patingin na tayo hon baka maabutan pa natin sila" sabi ni jiro na nagpatawa na naman sakin

"leche ka tumahimik ka nga" sigaw ni molly

"oh ayan isa yan sa mga signs na buntis ang babae di ba chase?"jiro

"oo, si thea lagi akong sinusungitan nung nakaraang araw bat di ko nga ba napansin agad yun"sabi ni chase na nagiisip isip pa.

Oo nga nuh nitong nakaraang araw simpleng bagay lang naiinis na ko kay chase. Dati naman kaya kong pigilan yung inis ko pero nito nakaraang mga araw ang dali dali kong mairita.

My Bed Warmer WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon