Chapter 45 The nightmare revealed

55.9K 505 42
                                    

Sorry sa late na UD..
pagpasensyahan nyo na yung pagkakasulat kung magulo..

 Dedicated kay-------->

hello thanx sa comment super naappreciate ko yung comment mo.. thank you...

Chapter 45

(Eto yung kadugtong ng sa Chapter 16)

“hi, miss” nagulat ako ng may marinig akong magsalita sa gilid ko. Hindi ko ito napansin kanina nakatuon kasi ang atensyon ko sa paghahanap ng susi sa bag ko.

yumuko ito para abutin yung susi ko na nalaglag dahil sa pagkagulat ko pero habang kinukuha nya yung susi agad akong kumuha ng kung anung pwede kong magamit kung sakaling may masamang gawin sakin ang lalaking ito.

“natakot ata kita” sabi uli nito pero hindi ko ito pinansin, kinuha ko yung susi sa kamay nya ng hindi siya tinatapunan ng tingin. I need to hurry para abutan ko si chase and I also had a bad feeling about the appearance of this guy. Ang creepy creepy pa naman dahil papatay patay yung ilaw sa parking na to.

Agad kong binuksan yung sasakyan ko at inilagay yung mga pinatake out kong food at yung bag ko pero hawak hawak ko pa din yung pocket knife na nakuha ko sa bag ko. Kinakabahan talaga ako kaya halos mamuti na ang kamay ko sa higpit ng hawak ko sa pocket knife. Paakyat na sana ako ng biglang hawakan nito ang braso ko.

“sandali iiwan mo na lang ba ako dito?” sabinito, dahil sa gulat ko sa paghawak nya sakin ay naitinulak ko ito. Rinig kong tumama sya sa kabilang sasakyan kasabay ng malakas na pag aray nya kaya naman napatingin na ako dito.

Nakaupo ito sa sahig habang hawak hawak ang braso nya na sa tingin ko ay tumama sa sasakyan.

“s-sor-ry p-po” sabi ko sa nanginginig na boses nakakatakot kasi ang itsura nito at namumula mula pa ang mata. Masama din ang tingin nito sakin at parang susunugin ako sa mga tingin nya.

Dahil hindi na nga maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari, naisipan kong kunin ang pagkakataong iyon para umalis na pero bago pa ko makaharap sa sasakyan ko eh may nagsalita uli sa gilid ko, sinara nya yung pinto ng sasakyan ko bago nagsalita.

“wala ka pala pare eh.. hahaha… palaban ka pala ms. Gusto ko yan hahahaha…”sabi ng lalaking bagong dating. Katulad ng unang lalaki namumula din ang mata nito at mukhang hindi gagawa ng maganda. lalo akong natakot sinubukan kong tumingin sa paligid para malaman kung may tao ba pero wala. bakit ba kasi sa dulo ko pa naisipan magpark.

My Bed Warmer WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon