Chapter 44: Confrontation

58.6K 492 51
                                    

dedicated kay-------->

hi sweetheart sorry napatagal ang paghihintay mo sa dedic hehehe.. makakalimutin kasi si author eh... 
thank you so much nga pala sa pagsupport ng story ko.. lovelots..

----------

Chapter 44

Althea’s POV

Nasa office na kami ngayon ni chase, maaga kaming pumasok dahil as usual may pinapagawa nanaman si lolo Bernard kay chase. Ayoko pa sanang gumising kanina pero wala akong nagawa urgent kasi yung aasikasuhin namin at kahit gusto naming sa bahay na lang gawin yun eh kakailanganin namin ng tulong ni Jiro.

Magkakasama kaming apat ngayon sa conference room para mas mapadali yung ginagawa namin. Kanina kasi nagkakagulo sila jiro at chase pagnagtatanungan ngayon medyo okey na. Kami ni molly yung nagtatrack sa ibang documents na nawawala o kaya kailangang pagaralan. Nahihilo na nga ako sa kakahanap lalo na at halos magkakahawig yung mga titles nila. Wala pa naman ako sa mood ngayon para akong magkakasakit, 2 hours lang kasi ang tulog namin ni chase. After all the drama last night sa confession ni chase parang mas gusto ko na lang magstay sa kama at matulog. Gusto kong yakapin na lang si chase at ikulong sa kwarto. Parang lahat ng sinabi ni chase eh hindi pa din ganon nagsisink in sakin. I just put everything aside for a moment dahil baka maiyak lang ako dito.

Lahat kami seryoso sa ginagawa namin halos wala ka ngang boses na maririnig unless may magtatanong. Kahit si Jiro na super kulit kay molly eh himalang bumubulong lang at kung titignan sila parang magboss at secretary lang talaga ang namamagitan sa kanila. Ang cute lang, kasi usually simpleng salita lang ni Jiro galit na galit na si molly. Its nice to see them work professionally parang kami lang ni chase.

2pm na kami nakapaglunch dahil tinapos na namin lahat ng gawain, pagbusy ka kasi talaga at may hinahabol na Gawain hindi mo na maiisip yung gutom mo, may nagdadala naman samin ng bread and coffee kaya di kami masyadong nagutom tsaka kung sino man samin ang nagugutom baka mahihiya na lang magsabi dahil focus kami sa ginagawa naming. Nagulat na nga lang ako na 2pm na pala.

4pm na kami nakabalik galing sa lunch namin wala namang problema kasi kahit di na kami bumalik okay lang pero may ipapakita pa daw si Jiro kay Chase kaya bumalik na din kami may kailangan din naman akong icall outs so pabor din yun sakin.

My Bed Warmer WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon