Chapter 62: The Biggest Plan

27.9K 438 52
                                    

Dedicated sa kanya---->

Hi there!! Thanks po sa support sa story ko!! 

Chapter 62

Chase’s POV

Napatayo ako agad mula sa kamang hinihigaan ko ng magbalik ako sa wisyo. Bahagyang kinusot ko ang nanlalabo kong mata dahil sa pagtulog.

Si Mr. Jung.. asan kaya siya? Pinainom nya ako ng pampatulog. Grrr…

kung alam ko lang na ganito ang mangyayari tiniis ko na lang sana ang uhaw at kaba ko.

Tsaka si thea? ano na kayang nangyayari sa asawa ko? Kailangan ko siyang mahanap bago may gawin sa kanya yung mga kidnaper na yun.

Nagmamadaling inobserbahan ko yung paligid. Naghanap ako ng bagay na pwede kong gamitin kung sakaling kakailanganin kong protektahan ang sarili ko. Nung may mahanap ako ay nagmamadali akong lumapit sa pinto.

Pinilit kong wag gumawa ng ingay habang bunubuksan ko yung pinto. Hindi naman sa iniisip kong kasabwat si Mr. Jung baka lang kasi pigilan nya ako kung sakaling umalis ako dito.

Nagtataka man ako kung bakit wala man lang hirap kong nabuksan ang pinto ay nagtuloy tuloy pa din ako pababa.

Mabilis kong nahanap ang daan palabas dahil na din sa tunog ng sasakyan sa labas. Pigil hiningang binuksan ko ang pinto ng may marinig akong naguusap sa taas. Dahil hindi ko matanaw dito sa kinatatayuan ko yung taas eh tumigil muna ako sa pagbubukas ng pinto at medyo lumapit sa hagdan.

Kay Mr. Jung yung isang boses at yung isa…

“yun pala yung nangyari kina mommy at daddy.”mahinang sabi nung isang boses.

“im sorry iha. If I could just chan—“

“shh.. don’t feel bad about it lolo, nangyari ang nangyari for a reason atleast ngayon magkasama na sila di ba?”

Tama ba yung naririnig ko o nagha-hallucinate lang ako? Nagmamadali pero tahimik na umakyat uli ako para kompirmahan kung tama ako. Impossible kasing siya yun o hindi?

“siya sige na, tignan mo na ---“ Mr. Jung

 “thea…” tawag ko dun sa babaeng bubuksan na sana yung pinto ng kwartong pinanggalingan ko.

Sh*t nandito na uli si thea? Okay na siya? Ligtas na siya!

“oh chase gising ka na pala” nakangiting bati sakin ni mr. Jung pero di ko siya pinansin. Isa lang ang nakikita ng mata ko ngayon.

Sobrang relief ko talaga na makitang okay siya. Kung pwede ko lang balikan yung nangyari kanina ay sasamahan ko talaga itong pumunta sa banyo kahit magbantay pa ako sa loob nun.

“I miss you baby! Sorry sa nangyari. Im sorry” sabi ko kay thea habang mahigpit na nakayakap dito.

 “what happened? Panung? Di ba?” naguguluhang tanong ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

“anyways, thank you for your help sir.. Thank you so much. Pero kailangan mo ba talaga akong patulugin?” baling ko kay mr. jung ng nakanguso.

Responsibilidad ko din si thea kaya dapat andun ako nung niligtas nya ang asawa ko.

“sorry iho, wala na kasi akong maisip na paraan para pakalmahin ka eh” kumakamot sa batok na sabi ni Mr. Jung. Natawa tuloy si thea samin at pinalo pa ko sa braso.

My Bed Warmer WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon