Chapter 53 Let the lies begin

43.3K 451 60
                                    

Dedicated kay -------->

thank you sa mga comment mo damang dama kita habang binabasa ko yun.. hehehe... Relax bebe!! :)

Chapter 53

Chase POV

Pagbalik namin sa office pinadiretso ko na si A sa magiging office nya hindi ko na nga sya hinintay makasagot dahil agad akong humiwalay sa kanya para umakyat.

Nakalimutan ko yung oras dahil sa mga kwento at mga tanung nya kanina, nagulat na lang ako na mag aalas singko na pala. Ni hindi ko nga din napansin na naiwan ko sa kotse yung cellphone kung Di pa tumunog yon. Nagpaparesched yung client namin dahil nasa bakasyon sya, kanina nya pa daw ako kinocontact dahil wala din daw nasagot sa office ko. Lalo tuloy akong nagmadali makapunta ng office dahil impossible namang hindi sagutin ni thea ang telepono kung nandun sya.

Maliban sa client namin may nareceived din akong call Kay jiro, May apat na call akong na miss galing Kay thea tapos may text din sya kung asan daw ako? Magtxt naman daw ako, Di daw sya makakain ng lunch at hihintayin na lang ako, blank message at kung ano ano pa.

Agad akong umakyat habang sapo sapo ang noo ko. Nawili Lang talaga ako sa pakikipagkwentuhan. Maboka kasi si A wala atang dead air samin kanina dahil sa mga kwento nya at tanong. Kainis nga lang dahil masyado akong nawili malamang nagaalala na si thea sakin!! Hindi ko din alam kung nakakain sya o kung nakakain man sya nabusog kaya siya? Sino kaya ang kasama nya? ang alam ko kasi may meeting sila jiro at baka matagalan yun.

Napapamura na lang tuloy ako sa isip ko. Baka hindi sya kumain dahil wala syang kasabay. Pano na lang kung sumama ang pakiramdam nya? T*ngna talaga!!

Pagdating ko wala si thea sa desk nya o kahit sa office ko. Tinawagan ko sya pero nandito sa office yung phone nya. Tinawagan ko si jiro, Hindi nasagot ganun din si Molly.

Naisipan kong itanong na lang sa guard dito o kaya tignan na lang sila sa office ni jiro o sa cafeteria. Palabas na sana ako ng marinig ko yung boses nila jiro at thea na naguusap.

"okay naman yung pinasa ng accounting pero gusto ko pa ding icheck para pagpinapirmahan ko Kay chase okay na."

"ang dami nun ah tapos yung sa planning pa. kaya mo ba? Pwede ka naman naming tulungan ni molly"

My Bed Warmer WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon