Chapter 64: The Room --- Epilogue

48.8K 601 69
                                    


Wooooooooo!! party party!!

Nag update na din ako!! sorry guys kung mukhang minadali yung epilogue please message your feedbacks. 

Dedicated sa inyong lahat --- 


------



Nakanganga lang ako habang nakatingin kay Chase na ngayon ay hawak hawak si Chance. Sila lang naman ang lumabas sa pintong bumukas sa taas.

Nakangiti pa ito na akala mo eh parang wala lang ang mga nangyayari.

tsk..

Nakakulong kaya kami sa bahay! Panu kung may mga masasamang tao sa labas at gusto pala kaming sunugin dito edi nganga kami?! o kaya bigla kaming pagbabarilin mula sa labas? edi tragic ang ending nito? Aba ilang buwan kayang tinamad si author mag update tapos isang tragic na ending lang pala ang hinihintay ng mga readers?? gusto ba talaga ni Chase na isumpa si author ng mga readers?

(^____^V) ( Sorry na po readers!! Mwuahhh!! - Author)

"hi mommy!" nakangiting sabi ni Chase habang pababa sila ni Chance.

aba at talaga atang wala itong kamalay malay na pwede kaming mapahamak dito sa sarili naming bahay kung makangiti.

lukot ang mukhang sinalubong ko sila ni chance.

"nakalock yung buong bahay Chase!! Wala sila nanay Lorie, si Jiro at Lolo. Tayo lang ang nandito.nasan na ba sila? ano bang nangyayari?" sabi ko habang sa loob loob ko eh nakahinga ako ng maluwag dahil nandito si Chase at Chance sa harap ko.

"talaga? Edi mabuti solo pala natin si Chance" ngingisi ngising sabi nito at kunwaring kinausap pa si Chance na tulog na tulog naman.

"CHASE! hindi mo ba ko nadinig? Nakalock ang bahay sa labas panu kung bigla tayong sunugin? o kaya biglang may sumugod satin dito ? o kaya.. .. .. . .. . .. . .. "

"tsk.. baka magising si Chance sa ingay mo mommy"nakapout na sabi ni Chase bago hinele hele si Chance.

napanganga tuloy ako. Ano ba naman Chase? ngayon mo pa talagang napiling mantrip?

"tara umakyat na tayo may ipapakita pa ko sayo"excited na sabi nito at hinila na ako paakyat.

Wala talaga readers kung maging tragic ang istoryang ito wala kayong dapat sisihin kundi si Chase at hindi si author ha! akala nya ata nagbibiro lang ako eh!!

"iiwan natin si chance magisa dito?" tarantang tanong ko ng bigla nyang binaba si Chance sa crib nito.

"yep baka maistorbo natin ang tulog ni chance" sabi nya bago nakangiting hinaplos ang pisngi ni chance

"No chase! Hindi natin siya pwedeng iwan pano kung may kumuha sa kanya dito?" ako

"sino naman ang kukuha sa kanya?" nakangiting sabi nya uli

"akala ko ba tayo lang ang nandito at nakalock ang pinto?"

Ako ba eh pinagloloko nitong si Chase at ngiti lang ng ngiti?

" I.. i don't know pero pano kung... "

"shhh.. tara na nga"sabi nito at hinawakan na uli ako sa kamay para igaya palabas

Huminto kami sa pinto ng kwarto niya kung saan sila nanggaling ni Chance kanina. Nagtatakang tinignan ko siya dahil ito ang unang beses na iginaya nya ko dito at mukhang papasok pa ata kami.

My Bed Warmer WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon