Fifty Five - Pangangaral

381 66 0
                                    

Kung ang ating mga magulang ay pinangangaralan tayo tuwing tayo'y nakakagawa ng kasalanan, tayo naman ay mangaral sa ibang tao tungkol sa ating Panginoon.

We all know na sa panahon ngayon, nakasanayan na ng mga kabataan na makiayon sa mundo. So, kung ikaw ay naiiba sa kanila, tulungan mo silang iwanan ang maling nakagawian.

Halimbawa na lang ang iyong barkada sa school. Tiyak naman na kung kayo'y anim o pito sa grupo, hindi lahat kayo ay magkakamukha ng ugali.

As a Christian, sabi sa amin na dapat mamili kami ng tamang kaibigan yung co-Christian namin. Oo, hindi naman lahat ng Christian ay Christian talaga kung umasta.

Kaya nga if you have a circle of friend, ikaw ang manghikayat sa kanila na magbago hindi yung ikaw pa ang mahihikayat nila para gayahin sila.

Naranasan ko na po iyan. Ang masasabi ko lang ay mahirap po talaga. Kailangan mo talaga ng mahabang pasensya para sa kanila.

Ilang beses ko na sinasabi sa kanila na huwag uminom ng alak, huwag manigarilyo ganiyan pero ayan nilang makinig eh. Minsan nga ang tingin nila sa akin ay kontrabida sa kaligayahan nila.

Ineengganyo ko po kayo na mamahagi ng salita ng Panginoon. Spread the word of God.

Alam mo ba kung gaano kasaya ang Panginoon sa tuwing may mga taong nagbabago at kinikilala siya? Kaya po I hope maging instrumento tayo para manghimok ng maraming kabataan at mga tao na kilalanin si Jesus Christ.

I hope po na nagustuhan niyo kahit papaano ang ating tinalakay ngayon. I-apply po natin sa ating buhay ang mga natutunan natin dito. Be a good example po.

--------------------------------------------

Elmo's Note:

Salamat po sa patuloy niyong pagbabasa, sa walang sawang pagsuporta lalo na roon sa mga masisigasig magcomment at magvote! Natutuwa po ako kahit sa ganoong simpleng bagay lang.

Again, maraming salamat po! Kung may silent readers man diyan, paramdam po kayo hehe!

Comment and Vote po!

Let's Spread the Word of God!

Thank you!

Word of God

"Kahit Ako na Anak ng Tao ay naparito sa mundo, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod."

-Marcos 10:45

Ituon ang paningin sa Panginoon at hindi natin makakalimutan ang tamang layunin ng ating buhay.

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon