Thirty One - Pagnanasa

576 77 7
                                    

Suggested ang topic na ito kaya sa kaniya ko ito idinededicate..

From the word itself, oh ano pumapasok sa utak niyo? Haha!

At dahil nga kabataan ang target natin, pagnanasa sa laman ang kauna-unahan sa listahan na kung saan madalas matemp tayo.

Ano ba napapala niyo kung makaexperience kayo? Maliligayahan ba kayo? Natutuwa? Hinahanap-hanap niyo pa!

"Our body is the temple of the Holy Spirit!" Kaya po dapat ay pangalagaan, inagatan at huwag babuyin ang ating katawan.

Nakakalungkot lang kasi sa panahon ngayon ay hindi na LOVE ang namumuo sa dalawang tao kundi LUST.

Dito sa wattpad, ewan ko ba kung bakit ang daming writer na pinapasok ang GENERAL FICTION. Ano iyon? Para sumikat agad-agad?

Yup meron namang ibang Author diyan na maayos gumawa ng ganoong story pero bakit ba naeengganyo lalo na ang mga kabataan? Masyado ba silang sabik sa laman?

Ang nakakalungkot pa, karamihan sa mga readers ay bata pa like 12 and 13 tapos sila pa ang nagsusuggest ng BS? Ano na bang nangyayari sa mundo ngayon?

Dapat nga sa panahon ngayon ay SPIRITUAL ang ating binabasa dahil malapit na ang Second Coming of Christ kaya dapat ay maging handa tayo.

Kaya po iwasan ang mga bagay na makakasama sa atin.

Tula ko..

Pagnanasa

By risingservant

Bata ka palang

Ngunit namulat ka na sa hubad na katotohanan

Umayon sa daloy ng mundo

Kaya ginagawa mo na rin ang gawain ng ibang tao

Ngayong malaki ka na

Akala mo, kaya mo ng mag-isa

Kung anu-anong bagay ang pumapasok sa utak mo

Kaya naman ito'y ikinatutuwa mo

Ang iyong mapaglarong isipan

Ngayon ay iyong dinudungisan

At higit na nagiging makasalanan

Kaya ito'y iyong pagpasyahan

Pagnanasa at kalaswaan

Iyan ang ating dapat iwasan

Lalo na sa panahon ngayon

Kaya huwag makiayon

I hope na nagustuhan niyo po ang aking mumunting tula. Isabuhay po natin ito at let's spread the word of God.

-------------------------------------------

Elmo's Note:

Salamat po sa patuloy niyong pagsubaybay dito. I hope na marami kayong natutunan kaya ibahagi sa iba ang natutunan niyo.

Comment and Vote po!

Salamat!

Word of God

"Ako ang mabuting pastol. Nakilala Ko ang Aking mga tupa at nakikilala nila Ako."

-Juan 10:14

Ang pagtitiwala kay Jesus ay nakakapagpapatatag sa atin.

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon