Heto na yata ang kadalasan kong nakokomit na kasalanan hehe.. pero syempre, kung kailangang sabihin ang totoo dapat tayong umamin.
Ewan ko ba kung bakit napakadaling magsingungaling sa panahon ngayon. Kaya ang hirap malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo o hindi.
Alam niyo naman yung white lie diba? Maski na pinagtakpan mo pa siya para mailigtas siya, nakagawa ka pa rin ng kasalanan.
As long as kaya nating kontrolin yung sarili natin na huwag magsinungaling ay gawin natin. Mahirap pong mabuhay sa kasinungalingan.
Kaya magbago na po tayo habang maaga pa!
Free verse muna po yung tula ko hehe..
Pagsisinungaling
By risingservant
Oh Ineng
Bata ka pala
Ang galing mo ng magsinungaling
Hindi ka ba nakokonsensya?
Ang galing-galing mo pa!
Sino nagturo sayo?
Ang magaling mong nanay no?
Ano ito?
Para maiwasan at matakasan niyo ang utang niyo?
Matuto ka namang magsabi ng totoo
Para hindi ako nag-iisip pa ng kung anu-ano
Hindi ka ba nanonood ng honesto?
Kaya puro kalokohan na lang ang alam mo?
Hindi naman masamang magsabi ng totoo
Basta umamin ka lang sa kasalanang ginawa mo
Mapapatawad ka naman ng ibang tao
Kaya habang bata ka pa
Kailangan mong mamulat sa katotohanan
At hindi sa kasingungalingan
I hope po na nagustuhan niyo ang mumunting tula ko para sa inyo. Isabuhay po natin ang ating mga natutunan na mabuti.
-------------------------------------------
Elmo's Note:
Salamat po sa inyong patuloy na pagtangkilik dito. I hope na marami kayong natutunan at nabuksan ko sana ang inyong isipan tungkol sa katotoohanan.
Comment and Vote po!
Salamat!
Word of God
"Pag-ingatan ninyong hindi pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti."
-Mateo 6:1
Kung lagi nating pinaglilingkuran si Jesus, mababawasan ang pagpapahalaga sa sarili.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
SpiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...