Introduction

6K 281 46
                                    

Lahat tayo ay makasalanan

Hindi ito natin maiiwasan

Ngunit buksan ang isipan

Nang magising sa katotohanan

-Kuya Elmo

Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan ng kaibigan? Na tukso? Etc.

Lahat tayo ay ipinanganak na mayroon ng kasalanan dahil na rin sa nagawang kasalanan ng ating mga magulang na sina Eva at Adan pero lahat tayo ay nilinis na ng Panginoon matapos magpakasakit ni Jesus Christ sa Krus ng Kalbaryo upang akuin ang lahat ng ating kasalanan.

For God so loved the world that He gave His only begotten Son that whoever believe in him shall not perish but have eternal life.

-John 3:16

Ganyan tayo kamahal ni God kaya inialay niya pa ang buhay ng kanyang nag-iisang anak para iligtas lang tayo sa ating mga kasalanan.

Ikaw ba, kaya mong magpapako sa Krus? Hindi diba?

Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-oras, minu-munuto at segu-segundo ay gumagawa kayo ng kasalanan at hindi niyo man lang kayang pagsisihan? Yung tipong hindi na kayo nakokonsensya dahil paulit-ulit niyo ng ginagawa?

Ang tukso ay nasa paligid lang iyan kaya dapat mag-ingat tayo para hindi tayo matukso. Tayong mga tao pa naman ay mabilis magpatukso sa kaaway lalo na kung sa tingin niyo ay pinagsakluban kayo ng langit at lupa.

Oo, humihingi nga tayo ng kapatawaran ngunit ginagawa at ginagawa pa rin natin iyon kaya dapat one's na humingi ka na ng kapatawaran, kayanin mong huwag na ulit ulitin ang masamang gawaing nagawa mo.

Paano kung dumating na nga ang araw ng paghuhukom? Handa ka na ba?

Kaya habang maaga pa ay magsisi na tayo sa ating mga kasalanan at sabihin nating...

Lord, Patawad!

-------------------------------------------

Elmo's Note:

Matagal na pong naka-stocked ito sa aking Notebook para isulat dito sa wattpad at ngayon ay bigla na lang nagparamdam sa akin itong Lord, Patawad kaya sana magustuhan niyo po at ng magising kayo sa katotohanan.

Word of God

"For God so loved the world that He gave His only begotten Son that whoever believe in him shall not perish but have eternal life."

-John 3:16

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon