Three - Katamaran

2K 153 37
                                    

Isa ka bang tamad na tao? Pwes, magbago ka na! Dahil hindi ka uunlad lalo na sa panahon ngayon! Dapat ay magsikap ka na maabot ang iyong mga pangarap! Magbago ka! Habang maaga!


Tamad kang tao? Pagkarating mo pa lang sa bahay ay ibababa agad yung gamit sa may upuan tapos mahihiga at magpapahinga hanggang sa makatulog ka?


Gigising ka na lang kapag kakain na tapos kapag tumayo at pumunta ka sa may kitchen ay nakahain na ang lahat at wala ka ng gagawin pa kundi ang kumain? Ano ka Senyorito? Senyorita?


Tapos didiretso sa school at magpapahatid pa? After school, uuwi na lang sa bahay tapos magbibihis, hihiga then matutulog ulit? Laging na lang bang ganyan ang takbo ng iyong buong magdamag?


Sa sobrang katamaran, iniaasa mo ang lahat ng ibang gawain sa iba? Ni hindi mo man lang mahawakan ang walis para maglinis? Pati yung paghuhugas ng pinggan ay iniaasa mo rin sa iba? Pwes, Certified Tamad ka talaga!


Kahit may katulong/kasambahay kayo ay dapat hindi kayo nagiging tamad! Matutong maging independent!


Ayun lang ang advantage ng mga may kaya, may kasambahay compare doon sa mga walang kaya na dapat talaga ay nagsisikap.


Dapat at maging independent tayo at hindi umaasa lang sa iba kasi pagdating ng panahon kapag tayo'y may sarili ng mga pamilya ay tayo rin ang mahihirapan kaya dapat ay magbago na tayo.


Ang katamaran ay isa sa Seven Mortal Sins kaya dapat iwasan natin ang pagiging tamad at tayo'y magbagong buhay na.


Napapansin ko kasi na karamihan sa mga kabataan ngayon ay tamad at tanging pakikibarkada at pagtambay lang sa kalye ang inaatupag. Be responsible!


Napapansin ko rin kasi na maraming kabataan, nang dahil sa sobrang katamaran ay napapabayaan nila ang kanilang pag-aaral at mas pinipili na lang nilang huminto kaya naman sila ay nagiging tambay.


Nakakaawa rin yung mga taong walang future at napapariwara yung buhay. Nang dahil sa katamaran, nasisira ang ating future kaya dapat magbago na tayo ng pananaw.


Isang halimbawa na lang dito ay kapag examination day, tapos hindi ka nakapag-aral ng inyong leksyon, syempre, nang dahil sa katamaran at mauudyukan kang gumawa ng hindi mabuti at ito pa ang magiging sanhi upang ikaw ay mangopya sa iyong katabi.


Nang dahil sa katamaran ay marami tayong nagagawang kasalanan. Dapat ay maging mabuting tao tayo at tanging mabubuting gawain lang ang ating dapat gawin.


Be a Christlike. Oo kawangis tayo ni God pero kaugali ba niya tayo? Ayan ang dapat mong itanong sa sarili mo.


Makasalanan ang mundo kaya dapat tayong umiwas sa mga maling gawain at maging mabuting nilalang sa mundong ibabaw.


Kung dati ay hindi natin kayang magwalis man lang sa bahay, ngayon kahit kaunting oras man lang ay maglaan tayo ng oras sabi nga nila "Walis-walis din pag may time!" kaya be responsible.


Kung dati ay hindi ka naghuhugas ng pinggan o naglalaba man lang, isipin mo na lang kung sino ang mahihirap someday kung hindi ka sanay sa mga gawaing bahay.


Sa mga students na kagaya ko, huwag tayong tatamad-tamad lalo na sa pag-aaral ng ating mga leksyon dahil matutukso lang tayo ng kaaway na mangopya kapag exam kasi wala kang alam! Haha!


Dapat maging mabuting halimbawa tayo lalo na sa mga nakakabata sa atin.


Tula ko...


Katamaran

By risingservant

Ang katamaran ay iwasan

Nang hindi tayo makawawa sa daan

Hindi ito mainam sa katawan

Kaya kung hindi ka kikilos ay magmumukha kang ewan

Paghuhugas ba ng pinggan ay hindi mo alam?

Kung gayon, kawawa ka naman

Pati na rin ang paglalaba

Baka sa huli ika'y maging tuluyang aba

Maging responsableng anak

Kinabukasan mo'y ikaw rin ang may hawak

Matutong tumayo sa sariling mga paa

Nang kinabukasan mo'y magkaroon pa ng pag-asa


Sana po ay nagustuhan niyo ito. Huwag tatamad-tamad kaya habang maaga pa, sabihin nating...


Lord, Patawad!


-------------------------------------------


Elmo's Note:

Thanks sa mga nagbabasa at nakakaappreciate.

Alam kong sa bawat chapter ng discussion dito ay mayroon kang matutunan. At dapat ay isabuhay mo ito hindi yung papasok sa isang tainga then lalabas sa kabila. Be a good example dapat.

Comment and Vote are highly appreciated! Thanks!

Word of God

"Huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti."

-Galatians 6:9

Hangga't may pagkakataon at sa abot ng makakaya, tulungan natin ang mga maaari nating tulungan.

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon