Forty Two - Pagod ka na ba?

496 67 5
                                    

Pagod ka na ba? Pagod ka na sa pagtakbo at pag-iwas sa iyong mga problema? Pwes, harapin mo ito sa pamamagitan ng pagsuko kay Jesus Christ.

Isuko natin ang ating mga problema sa Panginoon at hindi na tayo mahihirapan pa sa pagpasan nito dahil tutulungan niya tayong buhatin ito hanggang sa mapagtagumpayan natin ito.

Talagang mahihirapan ka sa pagpasan kung wala kang kaagapay kaya isuko mo ang buhay mo sa Panginoon at siya na ang bahala sayo.

Kaya ngayon, kung isinuko mo na ang buhay mo sa kaniya at pinapasok mo na siya sa iyong puso, hindi ka na mahihirapan pa, perfect peace at rest ang iyong daranasin mula sa kaniya.

Sa panahon ngayon, hindi mo matatakasan ang iyong problema. Kailangan mo itong harapin at mapagtagumpayan.

Mapapansin mo ang paligid natin, sadyang kakaiba na nga talaga. Dulot iyan ng tukso kaya nagkakaganiyan ang mga tao.

Gusto nila i-enjoy ang buhay sa lupa ng living young, wild and free na tila ba nakikiayon na sa mundo. They should live happily with Christ.

Minsan nakakapagod ding magdisciple ng mga tao lalo na ng mga kabataan pero through Christ, hindi kami sumusuko. Kahit pagod na pagod na kami, para sa ikabubuti ng nakakarami, we need to share and spread the word of God.

Kaya kung ikaw ay nasa Panginoon, talagang masasabi mong Nothing is Impossible in this world.

Glory to God!

Tula ko..

Pagod

By risingservant

Ang mundong ito

Ay nababalot ng misteryo

Kahit saan ka man humayo

Mapapansin mo na kakaiba na nga ito

Ang ilog na ating yaman

Ngayon, natigang na at parang namatayan

Kung noon ay mayroon kang mahuhuling mga isda

Ngayon ay nagmistulang tapunan na ng mga basura

Mga bata sa lansangan iyo'y makikita

Namamalimos upang may maibulsa

Tila wala na tayo ikauunlad pa

Kung ang ating pag-asa ay wala na

Pagod ka na ba sa iyong nakikita?

Pwes, isuko mo na ang lahat-lahat sa kaniya

Ang mga problema mo'y masosolusyon niya

Basta, manalig ka lang sa kaniya

I hope po na nagustuhan niyo kahit papaano ang aking mumunting tula na para sa inyo. I-apply po natin sa ating buhay ang ating mga natutunan.

--------------------------------------------

Elmo's Note:

Salamat po sa patuloy niyong pagbabasa, sa walang sawang pagsuporta lalo na roon sa mga masisigasig magcomment at magvote! Natutuwa po ako kahit sa ganoong simpleng bagay lang.

Again, maraming salamat po! Kung may silent readers man diyan, paramdam po kayo hehe!

Comment and Vote po!

Let's Spread the Word of God!

Thank you!

Word of God

"Higit na dapat nilang naisin [ang Kautusan ng Diyos] kaysa sa ginto."

-Awit 19:10

Ang pagsunod sa utos ng Diyos ay hindi nangangahulugang wala na tayong kalayaan.

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon