Thirty Seven - Pagpatay

451 64 2
                                    

Pagpatay, hindi po insect like lamok, at ipis ang pagpatay na ating pag-uusapan haha!

Nakasaad sa 10 Commandments na "Huwag kang papatay." Wala tayong karapatan na kuhanin ang buhay ng iba at ang buhay natin ay hindi natin pag-aari. Hiram lang natin ito sa Panginoon.

Maraming dahilan kung bakit nauusyukan ang isang tao na pumatay.

Una sa listahan ko ay dahil sa GALIT.

Kapag galit tayo sa isang tao, pumapasok sa isipan natin na halos patayin na natin ito sa sobrang galit at pagkamuhi.

Ang paligid ay puno ng tukso, kaya kapag si God ay nasa puso mo, papangunahan ka nito para hindi ka matukso.

Kaya kapag galit ang isang tao, dapat kalmahin ang sarili para hindi pangunahan ng darkness hehe..

Ako kasi, hindi ako nagtatanim ng galit sa isang tao kahit na may nagawa itong kasalanan sa akin na napakabigat. Ilang sandali lang ay mapapatawad ko na siya at makakalimutan kung ano man ang ginawa niyang hindi maganda.

Pangalawa, dahil sa INGGIT.

Halimbawa na lang nito ay hatian ng yaman sa mga mayayaman.

Kapag ang isang tao sa tingin niya ay hindi fair ang hatian at naging magulang siya gusto niya kaniya lahat, dito na papasok sa isip niyang ipapatay ang isang tao.

Marami tayong nababalitaan na dahil sa materyal na bagay lang ay nakakayang pumatay ng isang tao kaya dapat maging kuntento tayo sa kung anuman ang mayroon tayo.

Ang ang huli, ay SELOS.

Eto ang kadalasang puno't dulo lalo na sa mag-asawa o kaya'y magnobyo't nobya pa lang.

Kabataan, dahil sa sobrang selos at sa tingin mo'y pinagtataksilan ka ng kasintahan mo. Pinapangunahan ka ng tukso na kumitil ng buhay kaya dapat magkaroon naman tayo ng trust sa isa't isa.

Kaya huwag taying papatay. Wala tayong karapatan na kumitil ng isang buhay.

Tula ko..

Pagpatay

By risingservant

Sa iyong nasaksihan

Hindi mo ito makalimutan

Kaya iyong napagpasyahan

Na ito'y iyong tularan.

Natutong maging bayaran

At naging paupahan

Hindi mo na inisip ang ibang pinagpaguran

Kaya para ka na lang ligaw na halaman sa damuhan

Kumitil ng buhay ang laging pinagkakaabalahan

Natutuwa ka lalo na sa araw ng sahuran

Ngunit masdan mo ang iyong kinalulugdan

Mayroon ka pa bang babalikan?

Sayang ang iyong buhay

Ang salipi ay hindi madadala sa langit kapag ika'y namatay

Tila wala na sayong gumagabay

Kaya habang maaga pa, pagsisihan ang iyong kasalanan at sa Panginoon mo ialay ang iyong buhay

I hope na nagustuhan niyo po ang aking mumunting tula. Isabuhay po natin ito at let's spread the word of God.

-------------------------------------------

Elmo's Note:

Salamat po sa patuloy niyong pagsubaybay dito. I hope na marami kayong natutunan kaya ibahagi sa iba ang natutunan niyo.

Comment and Vote po!

Salamat!

Word of God

"Tumigil kayo at kilalanin ninyo na Ako ay Diyos."

-Awit 46:10

Kapag ibinigay sa Diyos ang mga problema, kapanatagan ng loob naman ang Kaniyang ibinibigay.

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon