Isa sa kadahilanan kung bakit hindi tayo mapakali tuwing gabi ay iniisip natin ang mga tao hindi natin nakapalagayan ng loob in short, yung mga taong hindi natin nakaunawaan.
Ang galit ay huwag nating isabuhay, isa iyan sa kasalanang mortal na kapag nanaig sa puso mo, tiyak na kapahanakan ang daranasin mo.
Hindi po maganda kung magtatanim tayo ng galit, syempre hindi maiiwasan na magalit ka sa isang tao kapag may nagawa ito sayong kasalanan pero sana naman ay marunong tayong magpatawad.
Kapag ang isang tao ay wala sa mood o galit, wala siyang pakialam sa paligid at halos kadiliman o poot na ang naghahari sa kaniyang puso.
Basta po, kapag mayroon kang mabuting puso, hindi maghahari ang kasamaan sayo.
Kaya po hayaan niyong si Cristo ang maghari sa puso at buhay niyo nang maiwasan ang kasamaan.
Tula ko..
Galit
By risingservant
Huwag mong dibdibin
Problema'y huwag angkinin
Kapag ito'y naipon sa loob
Tiyak na ikaw ay sasabog
Huwag kang magtatanim
Dahil ito'y iyo ring aanihin
Galit ay pawiin
Nang maging maluwag sa damdamin
May kaagapay ka
Tutulungan ka niya
Basta tumawag ka lang sa kaniya
Diringgin ka niya
Kapatawaran ay huwag ipagkait
Buhay mo'y magiging mapait
Basta isantabi ang galit
Nang masaganang buhat ay makamit
I hope na may natutunan po kayo! Enjoy po!
-------------------------------------------
Elmo's Note:
Salamat po sa inyong pagbabasa! I hope na may natutunan kayo! Spread the word of God.
Comment and Vote po!
Salamat!
Word of God
"Ang taong magagalitin ay lumilikha ng away."
-Kawikaan 29:22
Magwala ka man nang dahil sa galit, hindi pa rin ito makakapawi ng galit.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
SpiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...