E P I S O D E 3 7 - W I T H O U T

6.1K 136 12
                                    

Chapter 37

Shara's PoV

Life taught me so much especially the things that I experienced. Napagtanto kong kahit ang isang bagay ay nasa akin kung hindi naman ito mananatili sayo, wala ring silbi iyon. You just have the title as the owner ngunit hindi para sayo ang bagay na iyon o ang taong iyon. Boyfriend mo nga o girlfriend, sayong sayo siya pero wala sayo ang puso niya. At iyon ang pinakamasakit sa lahat. Ikaw ang pinili pero hindi ikaw ang mahal. Ikaw ang pinakasalan pero hindi ikaw ang mahal.

Oh, right! It was a fixed marriage. Masyado niya akong napaniwala na mahal niya ako. Masyadong akong naniwala sa kaniya. Napapikit ako at dinama ang preskong hangin. Ngumiti ako para ipakitang masaya ako. "Baby, meet your uncle!" masayang tugon ko. Yumuko naman si Zion at nilapag ang bulalaklak sa tapat ng puntod ng anak ko.

"Hello, sweet angel!" masigla namang wika ng kapatid ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti, pinamulagatan niya ako ng mata. Pinappahiwatig na ngumiti ako, tumango ako at pinunasan ang aking luha. Pauwi na kami nang maalala ko ang anak ko kaya naman dinaanan namin siya.

Ang baby ko ang tanging dahilan kung bakit babalik ulit ako rito. I promise na pupuntahan ko siya lagi once in every year. Masyadong nagdaldal ang kapatid ko sa anak ko kaya naman tanging 'I love you' na lamang ang nasabi ko rito bago na kami tuluyang umalis.

"So, ano na ang plano mo ngayon?" tanong ni Zion nang makasakay kami sasakyan. Namamaga parin ang mata ko hindi parin ako makapaniwala sa nakita ko. Inasahan ko na na may mangyayaring masama pero hindi ganoon kasama at kasakit. Gusto kong gumanti ngunit wala akong mapapala, hindi parin magbabago na nasaktan ako kung nasaktan ko rin sila.

"I'll file an annulment immediately, sasabihin ko na rin ang totoo kina Mommy" mahinang sagot ko. I don't want to talk about it anymore. Ben's threat, Robert also and lastly, Chaze. Wala akong magandang dulot sa akin ang Maynila. My child. Siya lang babalikan ko rito at wala nang iba.

"Are you really sure? Like you're not gonna talk to him and all that?" pinikit ko ang mata ko at inayos ang pagkakaupo ko. Napabuntong hininga ako. "Alam ko ang nakita ko, could you please shut up and give me a peace? Magugulo na naman ang utak ko sa pag-uwi natin" masungit na saad ko na agad namang nakapagpatahimik sa kaniya. Natulog ako buong byahe, binawi ang tulog ko kaninang madaling araw at dahil na rin sa pagod kakaiyak.

Pagdating namin ay nakakunot ang mata ni Mommy at Daddy ang bumungad sa amin. Mukhang kakatapos lang nilang magdinner. Hindi ko rin alam kung bakit natagalan kami sa byahe basta nagising nalang ako ay nasa Batangas na kami.

With her eyes full of confusion our mother welcomed us with a kiss. Nagpaalam sina Arthur, Roy at mang Kiko. Nagpasalamat nalang kami ng kapatid ko pati na rin si Mommy at Daddy sa kanila. "So, nasaan na ang asawa mo?" umpisa ni Mommy.

Agad na nanubig ang mata ko. Nagkatinginan naman sina Mommy at Daddy. Umiling ako at agad na yumakap kay Mommy. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ngayon nalang ako nakonsensiya sa mga kasinungalingan ko. Humagulgol ako sa bisig ng aking nag-iisang ina.

"Kelly, what's happening? Wixxy, what happened? Anong nangyari?" sunud-sunod na tanong ni Mommy habang inaalu ako. Naguguluhan siya sa nangyayari. "I'm sorry, Mom! I'm sorry!" saad ko sa gitna ng pag-iyak habang yakap ko parin siya. Mas humigpit ang kapit ko sa kaniya.

"Anak?" si Daddy na sumali na rin sa kakatanong. Narinig ko ang marahas na buntong hininga ng kapatid ko. "I'll tell you what happened, pagpahingan na muna natin siya" saad nito.

Pagpasok ko sa kwarto ni Zion ay napasapo ako sa ulo ko. Napaupo na lamang ako, unti-unting nanghihina. Naipon lahat ng pagod, sakit, tanong at galit sa akin. Hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Sobrang sakit dahil hindi niya ako hinanap, sobrang sakit kasi hindi niya ako minahal. Sa sobrang sakit ay hindi ko na alam kung kakayanin ko pa.

HE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now