E P I S O D E 2 7 - L I F E

8.4K 187 13
                                    


Chapter 27

Shara's PoV

I woke up in a familiar bed not feeling anything. Pumikit ako nang mariin, trying to forget what happened. Trying to forget and telling myself that it was just a dream. Ngunit nang magmulat ako ay namumulang mata at magulong buhok ng aking asawa, he look wasted but still handsome as ever. He held my hand and kiss it countless times. Ngunit natigil ito nang naramdaman ko ang panginginig nang kamay at pagbagsak nang luha sa kaniyang mga mata.

"It was my fault, forgive me. It was my fault, please forgive me" paulit-ulit ito at napaluhod na siya na tila nanghihina. Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa aking tiyan, he murmured the same word in my stomach.

Walang tigil ang pagtulo nang angking luha nang mapagtanto ko. Is my baby gone? I didn't even get chance to know my baby's gender. I'm sorry, your mother is so careless.

Gusto ko mang bumangon para yakapin siya ngunit nawalan ako nang lakas. Hinang-hina ang katawan ko. I'm not her daughter? Then where are my parents? Sino ba talaga ako? Ipinabigay ba ako nang totoo kong magulang? Did they forget about me? Am I just a mistake? What happened?

Ilang araw na ang lumipas simula nang makalabas ako nang ospital. Hindi nagpakita sa akin si Dad ni anino or bakas niya, wala. Is he still my father? No, after what happened. Nagsisisi akong tinawag ko pa siyang Dad kahit sa isip ko lang. If he's not my father, who is he?

Walang sinabi sa akin si Chaze kung ano talagang nangyayari. Napapansin ko ay lagi siyang nakatingin sa kawalan at malalim ang iniisip. Minsan naman ay nakatitig sa akin na parang binabasa ang iniisip ko. We haven't been spoken with each other. Ang huling interaksyon namin ay ang pagkaguho nang malaking parte sa akin.

Kasalukuyan akong nakaupo sa gilid ng pool habang nakalubog ang kalahati nang binti ko sa tubig. Nag-iisip at nagtatanong.

"Anak, kumain kana nakahanda na ang tanghalian" si Manang Fe. Nalaman kong inutusan siya ni Robert para patayin ang batang dinadala ko kung hindi niya ito gagawin ay isa sa pamilya niya ang mamamatay. Noong una ay nagulat ako ngunit umamin naman sa akin si Manang na kahit kailan ay hindi niya inisip na gawin iyon dahil may anak rin siya.

"Manang, sa tingin niyo po ba ipinamigay ako nang mga magulang ko?" tanong ko na nakatingin parin sa malayo. Nang hindi sumagot si Manang ay bumaling ako sa kaniya.

"Sa tingin niyo po ba nabuo ako sa isang kasalanan kaya ako iniwan ng magulang ko? Kaya po ba ito nangyayari sa akin?" tanong ko ulit. Nag-aalalang hinawakan ni Manang ang pisngi ko.

"Anak, huwag mong isipin iyan hangga't hindi mo nalalaman ang totoo. Saka ka mag-isip ng mga bagay kapag alam mo na ang katotohanan saka kana humusga kapag alam mo na. Huwag mong palakihin ang galit sa loob mo nang dahil lang sa kaunting impormasyong nalaman mo, ha? Maging matapang ka, anak. Kakayanin mo ang lahat ng ito basta nandito ako palagi sa tabi mo" niyakap ako ni Manang. Nanginig ang balikat ko nang pakawalan ko ang mga hikbi ko at umiyak nang walang pag-aalinlangan.

"Tatandaan ko po iyan, pangako po" saad ko. Kumalas si Manang sa yakap at pinunasan ang luha ko. She pinched my cheeks at pinunasan ang kaniyang luha. Natawa kaming pareho nang tumawa.

"Halika na, masyado tayong madrama ngayon" tawa ni Manang. Tinulungan niya aking tumayo at nakayakap ako sa kaniyang brasong pumasok kami sa kabahayan.

"Anak, hindi mo ba bibisitahan sa trabaho ang asawa mo? Ilang araw na kayong malamig sa isa't isa" banggit ni Manang sa asawa ko. Hindi lang pala ako ang nasaktan kundi patin na rin ang minamahal kong asawa.

"Sarili ko lang inintindi ko, mabuti pa manang tulungan niyo po akong maghanda nang pagkain para kay Chaze. Pupunta po ako sa opisina niya para i-surprise po siya" napapalakpak naman si Manang sa ideya ko at tumawa ulit kami.

Binihisan ko nang bongga ang sarili ko. Dala ko ang paperbag na naglalaman nang mga ulam na lutong bahay at syempre, hindi mawawala ang kanin.

Pagsakay ko sa kotse sa likod ay nakangiting bumati sa akin si Manong kaya naman bumati rin ako at ngumiti. "Mabuti naman, Ma'am at good mode na kayo" natutuwang hayag nito na tumingin sa rear-view mirror. Ngumiti nalang ako dahil na-eexcite na akong surpresahin si Chaze. Bago pa kami makalabas nang mansyon ay may sumakay sa passenger seat na tauhan ni Chaze.

Kumunot ang noo ko. "Magandang araw po Ma'am, pinag-uutos po ni sir na dapat po nakasunod po ako sa inyo kung lalabas man po kayo nang mansyon" paliwanag ng lalaking nakablack tuxedo. Mukhang nabasa niya ang pagkunot nang noo ko at pagtatakha. Tumango ako at ngumiti, wala nang sinabi pang iba.

Namimiss ko na siya, nasa iisang bahay at nasa iisang kwarto nga kami pero parang ang layo namin sa isa't isa. Ayoko namang mag-isip nang kung anu-ano at ayokong pag-isipan nang masama ang asawa ko dahil sa huli ako lang din naman nasasaktan sa mga pumapasok na kung anu-ano sa utak ko. Ngayon ako na ang kakausap sa kaniya, ayokong siya nalang lagi ang gumagawa nang paraan para magkaayos kami.

Bago ko pa buksan ang pintuan nang kotse ay naunahan na akong pagbuksan nang bodyguard ko ngayong araw. Napangiti nalang ako, awkward. Sanay naman ako na may nagsisilbi sa akin noon pa pero matagal na iyon. Kaya naman nagugulat ako galawan ni Kuya.

Lalong dumami ang mga guard sa bahay dahil sa nangyari. Nakapaprotective talaga nang asawa at may karapatan din naman siya lalo na sa mga nangyari.

Pagbaba ko ay binaba ko bitbit ko ang paperbag gusto sanang bitbitin ng bodyguard ko kaso tumanggi ako. Kaya ko naman at isa pa gusto ko ako ang magbigay sa asawa.

Walang pag-aalinlangan pinapasok kami dahil na rin siguro sa bodyguard na kasama ko. Tahimik ang paligid at ang bawat taon ay subsob sa trabaho na kung mang-iistorbo siguro ay magugulo ang lahat. Masyadong namang seryoso ang mga tao rito.

"Lead the way to my husband's office" saad ko sa bodyguard habang pagtuloy ang paglibot ko sa kaniyang kompanya. He's really rich!

Tahimik akong sumunod dito. Pumasok kami sa elevator, pinindot niya ang top floor. Alam ko na ngayon, ano klaseng asawa ako? Hindi ko man lang alam ang opisina nang asawa ko.

Pagbukas ng elevator ay pinauna muna ako nang bodyguard na lumabas bago niya nilahad ang kamay sa pinto na nasa harap namin. Tumango nalang ako at nagpasalamat, akmang papasok na ako nang may babaeng sexy ang nagpakita sa akin.

"Ma'am ano pong--" natigilan siya nang makita ang lalaki sa likod ko. Napatingin din ako. Ang bodyguard. Bakit kapag nakikita nila ito ay biglang gumagalang sa akin ang mga tao?

"Good day, Mrs. Hailstorm!" bati nito. Bumati rin ako nang nakangiti. Napanguso ako dahil ang sexy niya, mas sexy naman ako diba? Ano ba yan?! Ang nega ko talaga!

Pagbubuksan na sana ako nang pinto ngunit tumanggi ako. Gusto ko ako eh! Fully effort for my husband. Pagbukas ko ay pumasok ang kaba sa dibdib ko at nilibot ang tingin ko.

Ngunit agad na bumagsak ang dala kong paperbag nang makita ko ang sarili kong asawa na nakahiga sa couch habang nakapatong ang pamilyar na babae sa kaniya. Magkahalikan. Gumawa nang ingay ang nabagsak ko dahilan nang paglingon nang babae and Chaze didn't even dare to look, his eyes are still close maybe waiting for more kisses. Akala ko may sasakit pa sa lahat nang mapagtanto kong si Camille ang babae. Nanlalaki ang mata nito.

I immediately run to her and grabbed her hair harshly hanggang sa maalis siya sa taas nang asawa ko. I swear I've been this eager to kill a person.

"Shara, stop please! I'm sorry! Mahal ko siya!" umiiyak na siya ngayon habang walang habas ang pagsabunot ko sa kaniya. Igaganti ko na rin ang mga pinaggagawa niya sa akin noong highschool. Napuno na ako.

Luha ang lumabas sa aking mata. Walang iba kundi luha. I can't find any words. Sa tingin ko ay hindi sasapat ang mga sakit na nararamdaman kung ipagsigawan ko man kung gaano siya kalanding nilalang. Nanggagalaiti ako sa galit na kamuntikan ko nang abutin ang leeg niya para sakalin siya. Na parang lahat nang galit ko ay ibinubuhos ko sa kaniya. This is life is hopeless! My life sucks from the very beginning. I hated that it hurts like this.

to be continued...

HE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now