E P I S O D E 4 3 - W O R K

4.8K 105 11
                                    

Chapter 43

Shara's PoV

"Mommy, what?" kumunot ang noo ko nang kumirot ang ulo ko. Parang naintindihan ko na hindi ang mga sinasabi niya sa akin ngayon.

Parang hindi naman ito makapaniwalang tumingin sa akin. "Hinatid kalang naman dito nang dati mong asawa. Lasing na lasing ka, what did you do? Akala ko ba ay kasama mo ang mga kaibigan mo?" tanong pa nito. Stress na stress na ang itsura ni Mommy habang ako ay nakakunot noo parin sa kaniya.

"What?" gulat na tanong ko sa kaniya. Sinapo ko ang noo ko at naglakad papunta sa kama. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Mommy. Umupo ako sa gilid, sumunod naman siya sa akin. Napasapo ako sa noo ko at pilit na inalala ang nangyari kagabi.

"What is wrong with you?" hinagod ni Mommy ang likuran ko nang tanungin niya ako. Nag-angat ako nang tingin at tumingin sa taas. Wala akong lakas ng loob para sabihin kay Mommy na may nakahalikan akong hindi ko kilalang lalaki. Bakit ba naman kasi ako nagpakalasing? Dapat pala hindi na ako sumama.

Blue eyes, those pair of blue eyes. Baka nagkakamali lang ako? Why would he kiss me? Galit nga siya sa akin na parang ako pa ang nagloko! Why would he do that? Paano kapag nalaman nalang ng asawa niya or girlfriend niya o kahit sino mang kinakalantari niya?! I'm doomed!

Niloko na nga, ginawa pang gamit.

"Ano bang nangyayari sayong bata ka?" ulit na tanong ni Mommy na hindi ko naman pinapansin. Busy parin ako sa pag-iisip ngunit mas lalo lang akong namroblema dahil ginawa ko iyon.

"What time is it?" I sudden asked. Kumunot man ang noo ni Mommy ay sinagot niya parin ako. "It's already 11:43 am"

Mas lalo akong napasapo sa ulo ko. Kinuha ko ang tubig na nasa tray at ininom ang kahalati noon. Huminga ako nang malalim at pumikit, umaasang maaalala ko pa ang mga nangyari kagabi. Ang kapal naman nang mukha niya para halikan ako!

"Hang on, care to tell me what happened?" si Mommy na hindi parin tumigil sa pang-uusisa. Hindi ko alam kung natutuawa ba siya o ano sa sitwasyon. Tumingin ako sa kaniya, iniisip kung anong sasabihin ko para matigil siya. Kahit kasi ako ay walang alam kundi sa halik at hindi kilalang lalaki.

"I don't know, Mommy. Let me rest, I'll tell you. My head's aching so bad!"

"Ang dami mo atang nainom? Ano bang nangyayari sayo? May problema ka ba? Yesterday you locked yourself in your room pagkatapos ay uminom ka kasama ang mga kaibigan mo. Bakit hindi mo nalang tinawagan si Arthur para siya na ang nag-uwi sayo?"

"Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi" marahang sagot ko naman halos nakatulala. Tumunog ang phone ko na ngayon ay nasa gilid ko na. Halos makalimutan kong tawagan sina Jane at Callie.

"Bababa na ako, mag-ayos ka at ikaw na muna ang bahala sa hotel ngayon. May event kaming pupuntahan nang Daddy mo. Don't worry saglit lang kami, kaya mo ba?" saad ni Mommy na tumayo na. Tumango nalang ako at sinagot ang tawag galing kay Jane.

"Hell-"

"THANK GOD!" napalayo ako sa phone dahil sa bungad nito. Ang OA lang.

"Hello, what happened last night?" ulit ko.

"Ako dapat ang magtanong sayo niyan! Umihi kalang ay hindi kana nakabalik pa! Stress na stress ako baka may nanghablot na sayo at dinala ka sa hotel para gawing asawa!"

"I didn't even remember what happened! Ang sabi ni Mommy ay hinatid raw ako ni Chaze!"

"Ayos na kayo?! Ang bilis naman! Nanalaytay lang saglit ang alak sa katawan mo, lumandi kana agad!" tumawa pa ito matapos ang hindi niya magandang biro.

HE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now