E P I S O D E 1 3 - G R E A T

10.6K 226 0
                                    


Chapter 13

Shara's PoV


Pagkatapos ng nangyari sa hapag ay hindi na kami nagkausap pa ni Chaze ng matagal. Kasalakuyan siyang nakakulong kasama ang laptop niya at mga papeles sa office niya rito sa bahay.


Wala naman akong ginawa kung hindi buksan ang mga regalo sa amin kahapon sa kasal. Halos lahat ng mga regalo ay bigatin. May mga nagregalo sa amin ng mga alahas, kitchenwares, gadgets, at marami pang iba kaya naaliw rin ako. Muntik ko namang maitapon ang regalo ni Jane nang makita ang sandamakmak na condoms na ginawang pantakip sa isang letter at couple necklace.

'Dear Beautiful Bride,

Of all our dumbest plan, tuloy na tuloy parin ang kasal mo. Sa bagay, our plan was dumb naman kasi talaga. I'm happy for you, you made a great decision.

Love, Jane Beautiful'

Natawa naman ako sa kaniyang mensahe. I missed her! Thinking about their plan so Callie's confession was not real? My gosh, that's really dumb. Parang mga bata talaga.


Tinulungan ako ng mga kasambahay na itabi ang ibang mga kagamitan. Ang mga alahas at mga gadgets ay ipinaakyat ko sa kwarto namin. Ang iba namang mga kagamitan ay ipinaubaya ko na sa mayordoma.


Nagtanghalian na ako't lahat-lahat hindi parin bumababa si Chaze. Ipinatawag ko na kay Manang Fe ay hindi parin ito bumaba dahil kailangan pa daw nitong tapusin ang kaniyang trabaho.


Kakain lang naman saglit, hindi pa magawa?


Nanood nalang ako nang TV hanggang sa umabot na ang oras ng merienda. Pinaghanda ako ng juice at snacks ni Manang Fe. Inalok ko sila nang pagkain ngunit umiling ito dahil pagsilbihan lang naman daw ako ang trabaho niya.


Siya ang nasabi kanina nang Mayordoma na pangunahing nakaatas na pagsilbihan ako.


"Ayos lang po, manang Fe" saad ko at akmang aabutan ko siya nang pagkain ngunit umiling ito. Kaya ngumuso nalang ako at tumigil sa pangungulit.


"Si Sir ba, Ma'am? Dadalhan ko din po ba?" magalang na tanong nito kaya napaisip ako. Ano bang gusto nang lalaking iyon? Bakit ba kasi bigla-biglang napasubsob sa trabaho?Pwede namang sakin nalang, kidding!


"Ipaghanda niyo nalang po siya, ako na pong magdadala sa kaniya" mabilis namang itong tumango at pumanhik na papuntang kusina. Ilang saglit lang ay naglalakad na ito sa direksyon ko dala ang isang tray.


Tumayo na ako at naglakad papalapit kay manang Fe. Kinuha ko na ang tray at nagpasalamat. Nag-alok pa ito na siya nalang ang magdadala nang tray ngunit tumanggi ako.


Masyadong mabuti ang mga katulong rito, pansin ko lang. Or it's been a while since may nagsilbi sa akin dahil lagi nalang akong nasa condo ko noong mga nakaraan? Wala din naman akong kasama roon kaya sa condo nalang ako parati. Lagi nalang nasa work si Dad. Sa condo ko, nabibista ako nina Callie at Jane.


I really missed them. Bisitahin ko kaya sila ngayon? Malapit naman na ang dismissal. Miss ko na rin ang school!

HE IS MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon