E P I S O D E 3 6 - W I F E

7.1K 144 13
                                    

Chapter 36

Shara's PoV

Kinagabihan ay nagpadeliver nalang kami ng pagkain. Natawagan na namin sina Mommy at Daddy na kinakamusta lang ang byahe at nagtanong lang sa nangyari pero ang sinabi ko lang ay nagpahinga lang kami pagdating namin kaya naman hindi na kami nakatawag pa.

"Hindi ka ba nakokonsensya na nagsisinungaling ka kina Mama?" bungad ng kapatid ko na mukhang narinig ang pinag-usapan namin. Mukhang kanina pa siya nakalabas sa banyo matapos niya maligo. I sighed.

Umupo ako sa kama ko at nilapag ang phone niya katabi ko. "Ayoko munang malaman nila, malayo sila sa atin at ayokong mag-aalala sila lalong-lalo na si Mommy" paliwanag ko. I have no choice, hindi ko rin alam kung maganda ba ang kalalabasan ng pagpunta namin dito gayong wala si Chaze sa mansyon. Hindi rin ako siguradong nasa kompaniya niya ba siya. Baka nasa business trip o ano man. Hindi ko alam kung kilala niya pa ako.

"Mag-aalala parin sila sabihin mo man ngayon o mamaya, you should tell them the truth dahil paniguradong magagalit sila lalong-lalo na si Mama"

"Hindi ko na kasi alam! I have this feeling that something is wrong"

"Then why just sit there? Make a move, ate! Ito ang pinunta natin dito, asawa mo siya bakit ka natatakot? Nandiyan sina Arthur para protektahan tayo" napahawak ako sa ulo ko at kinalma ang sarili ko. Marahan akong tumango at dali-daling tumayo.

"What? Anong gagawin mo?" tanong naman niya na sinundan ako ng tingin. "Sabihin mong maghanda sina Arthur, magbibihis lang ako" I said and that's the cue. Ngumisi siya at lumabas na nang kwarto. Masaya ako na may kapatid ko even though he's a control freak. Maganda naman ang kinalalabasan ng pakikialam niya.

Nagbihis lamang ako ng simpleng black halter dress at pinarisan ko ng white stilletos. Simpleng maong pants ang suot ni Zion at t-shirt na may color black and white. May pasilver necklace pa ito at inayos niya ng maigi ang buhok niya. Mukha tuloy kaming couple.

Pareho kami ng mata ng kapatid ko na namana niya rin kay Mommy. "Ayos na ayos ha? Wow, nagpabango ka?" issue ko. Sinamaan niya lang ako ng tingin at sinuklay ang medyo humahaba niyang buhok at binalik ang tingin sa full length mirror . Infairness, nagsusuklay na siya samantalang sa Batangas ay kung hindi ko pa sinasabing magsuklay siya ay hindi niya gagawin. Kung hindi ko pa aasarin ang panget niya.

"I need to look better more than your husband. Why don't we just switch? Ako ang kuya at ikaw ang bunso" sinuklay niya ang buhok niya for the last time at humarap sa akin mula sa salamin. Nakangisi pa ito na tila kinukumbinsi ako.

"Bakit naman?" takhang tanong ko. Kinuha ko sa kaniya ang suklay at sinuklay ang buhok ko at humarap sa salamin.

"To protect you, of course!" umarte pa itong nag-aalala sa akin. "Nice try, manipulative jerk!" I patted his shoulder. "Let's go" nilapag ko ang suklay sa kung saan at nauna nang lumabas sa kaniya. He exaggerately sigh para marinig ko. Hindi ko na siya pinansin.

Nakatuxedo naman ang tatlo. Sa totoo lang ay hindi mukhang tauhan ni Daddy si Arthur, gwapo ito at matanggap. Kayumanggi ang balat nito at malaki rin ang katawan niya. Natakot ako noong una ko siyang makita dahil nakakaintimidate kung paano siya tumingin.

Simple lang itong nakatayo sa labas ng kwarto kasama sina Roy at mang Kiko. Payat na matangkad si Roy samantalang hindi naman naiiwan sa tangkad si mang Kiko na may patiyan pa. Nang makita nila ako ay sinenyasan ko silang bumaba na.

Kumunot naman ang noo ko nang may pahabol na tingin pa si Arthur sa akin. What's the matter? Pagtingin ko ay sa likod ay nakabusangot na si Zion ang bumungad sa akin. Kaya naman pala. "Let's go, baby brother!"

HE IS MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon