E P I S O D E 2 1 -L I E

9.4K 198 4
                                    

Chapter 21

Shara's PoV

Nagising ako na wala na si Chaze sa tabi ko. Tanging ang breakfast in bed nalang ang bumungad sa akin na may kasamang note.

'Goodmorning, my love! Eat your breakfast, alright? I'm sorry I have to go this early and I don't wanna wake up the sleeping beauty. I love you always'

Napangiti ako sa note. Namiss ko tuloy siya sa lalo. Ilang araw na siyang laging nasa trabaho dahil sa iniimbestigahan niya. Naiintindihan ko naman na kailangan niyang gawin iyon dahil importante talaga ang trabaho. I guess I just missed him so bad. Ayoko namang harangin ang trabaho niya dahil ayokong dumagdag pa sa problema niya.

Kinain ko ang breakfast pagkatapos ay pumasok na ako sa banyo para maligo. Hindi parin natatapos ang period ko hanggang ngayon. Pangalawang week ko na 'to ah?

Kailangan kong magpacheck up para malaman ko itong abnormal period ko. Does it last this long? This is probably not normal.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Ngunit nang makapagbihis na ako ay bigla akong tinamad kaya naman nanood muna ako ng TV. Saka na ako lalabas kapag sinipag ako.

Halos matapos ko na ang isang movie nang makaramdam ako nang gutom. Nagpahatid ako kay Manang Fe ng maraming pagkain. Natapos ko na ang movie ay panay ang sulyap ko sa pintuan sa pagdating ng pagkain. Nakagat ko ang ibabang labi ko sa paghihintay.

I'm hungry. Napahawak na lamang ako sa tiyan ko. Pagdating ni Manang ay agad na nagliwanag ang mga mata ko sa mga pagkain. Yes! Finally!

Nilapag niya iyon sa glass table sa harapan ko. Nangingiti naman si Manang kaya naman napangiti na rin ako. Dinilaan ko ang labi ko bago ko nilantakan ang mga pagkaing nakalapag. Fried chicken, french fries, onion ring, chicken nugget and oh...kebab. May isang pitsel ng pineapple juice, para ako iyong mga napapanood sa youtube na nagmumukbang.

"Nagugutom ata si baby, Ma'am" natigilan ako sa pagkain nang sambitin iyon ni Manang. Nakangiti ito habang maligayang nakatayo sa gilid ko na magkasalikop pa ang mga kamay niya.

"Ah opo" pinilit kong ngumiti ngunit nanginginig na ang labi ko sa pagpipigil kong umiyak. Umalis naman na si Manang dahil wala naman na akong iuutos sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko pero nagugutom parin ako.

Kaya mukha akong tangang umiiyak habang kumakain at nanonood ng TV. Pasinghot singhot pa ako dahil sa sipon ko. Aakitin ko nalang si Chaze kapag hindi na siya busy.

Natapos ko nang kainin ang lahat ng inihanda sa akin at umiinom naman ako nang juice nang tumunog ang phone ko. OMG! Si Daddy tumatawag. Sabi ko na nga ba at mamimiss rin niya ako eh.

Mabilis kong sinagot ang tawag. "Hello, Daddy!" masigla kong bati. I sounded like a child. Nakangiti ako habang naghihintay sa tugon ni Daddy. Pinatay ko ang TV at saka tumayo papuntang veranda.

"Come to my office, may sasabihin akong importante" malamig naman na tugon nito. Napalabi naman ako.

"Okay, Dad. I miss--" and he cut the line. It's alright, Shara! Kaya ka nga pinapapunta dahil namimiss ka diba? Ngumiti nalang ako sa pagpapalakas ko sa sarili ko. Pagkauwi ko nalang galing kay Dad saka ako magpapacheck up.

Naeexcite akong inayos ang sarili ko. Nagpalit ulit ako ng damit dahil nadumihan sa pagkain ko. Sinuot ko ang off shoulder na floral jumpsuit at tinernuhan ko nang ankle strap heels. Tinext ko ang asawa ko tungkol rito para hindi na siya mag-aalala.

Pinagdrive ko nalang ang sarili ko papunta kay Dad. Pinakiusapan ko pa ang mga driver dahil sa utos ni Chaze na hindi ako puwedeng magdrive. Wala naman akong ideya sa sasabihin sa akin ni Dad baka naman kakamustahin niya lang ako? Namimiss niya ba ako?

HE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now