Chapter 5

22 1 0
                                    

Thea's POV:

"Anong nangyari sayo?" sabi ni Stephy. Hindi pa nagsisimula ang klase ng dumating ako at agad akong nilapitan nina Stephy at Yen.

"Ano kasi… Tinanghali ako ng gising." Tumawa ako ng pilit para ipakitang wala namang kakaibang nangyari kanina. Ayoko munang magkwento sa kanila.

"Hindi naman yun ang tinutukoy ko. You look wasted. Umiyak ka na naman ba kagabi?"

"Okay class you may all sit down." Dumating na yung Professor.

"Chika ka later." Sabi ni Yen at dali daling pumunta sa sariling upuan sumunod naman sa kanya si Stephy na binigyan lang ako ng simpleng tingin pero alam kong may ibig sabihin.

"Students malapit na ang Semi-finals niyo kaya kailangan na nating simulan ang dalawa pang activity." Sabi ni Prof. habang isa isa niya kaming binibigyan ng pamphlets at pagkatapos niyang ipaliwanag ang gagawin ay bumalik na siya sa unahan.

      

"Kindly go to your respective groups." Lumabas muna si Prof babalik daw siya bago matapos ang oras na naka assigned samin.

     

Halos buo na ang ibat ibang grupo samantalang ako ay hindi pa rin tumatayo sa kinauupuan ko. Kumilos na ako at pakiramdam ko pinapanuod nina Stephy at Yen ang pagtayo at paglapit ko sa mga ka-grupo ko samantalang ang buong klase ay walang pakialam at may sari sariling mundo.

"S-simulan na natin." Sambit ko sa mga ka grupo ko.

Si Eca na vice president namin at si Ace na ex ko. Hindi ko naman talaga siya dapat na ka grupo, dinaya ko lang yung numbering sa pagbuo ng grupo dahil boyfriend ko pa siya noon at gusto kong lagi kaming magkasama. Hindi ko naman alam na mangyayari pala to. Hindi ko inisip dahil hindi ko naman inakala.

Mga sari sariling usapan ang maririnig mo sa loob ng klase. Pero tahimik lang sa pwesto namin. Itinuro lang kasi ni Eca yung mga gagawin at nagsari sarili na kami sa gawain.

Awkward. Katabi ko si Eca pero sa harapan ko naman nakaupo si Ace. Ilang oras akong nakatungo, nangangalay na ako pero tiniis ko dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan siya.

Dumating na si Ma'am pero ilan pang grupo ang hindi nakatapos at isa kami dun. Binigyan niya kami ng hanggang bukas.

      

Dumaan pa ang apat na subject bago tuluyang matapos ang klase. Kasalukuyan akong nag ayos ng gamit ng lapitan na ako nina Stephy at Yen.

Loosing GripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon